Nagiging maugong na naman sa social media ang mga isyung hiwalayan. Sapagkat kamakailan laman ay napapabalita ang hiwalayang Rayver Cruz at Janine Gutierrez. Ayon sa PEP, isang buwan na di-umano ang hiwalayan ng dalawa iginiit naman nila pareho na hindi third party ang naging dahilan ng kanilang hiwalayn kundi kakulangan sa oras ng isa’t-isa.
Hindi naman ito maitatangi dahil parehong busy ang dalawa sa kanilang mga natatanggap na proyekto. Lumipat naman ng Kapamilya network si Janine kahit nasa Kapuso network si Rayver. Halos sampung taon ding naging Kapuso artists si Janine at marami na rin siyang mga naging proyekto rito. At si Rayver naman ay kabi-kabilaan din ang natatanggap na mga proyekto sa GMA-7.
Sa isang press conference naman ng drama romantic comedy series na ‘Marry Me, Marry You,’ inamin ni Paulo Avelino na pareho na silang single ni Janine ngayon. Aniya, “Alam ko itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang natuloy. Kung mangyayari ngayong pagkakataon na ito na single siya at single ako, then okay.”
Dagdag pa niya, “Sinabi ko nag-date kami ni Janine dati tapos sabi niya, ‘Hindi ah, nag-hang out lang tayo. So parang nasaktan ako kasi hang-out lang pala yung dalawang beses tayo lumabas”.
Sa social media naman ni Rayver ay burado na ang mga larawan nilang dalawa na mag-kasama ni Janine pero naka-follow pa rin sila sa isa’t-isa. Marami sa kanilang mga taga-hanga nila ang umaasa na sana’y magkabalikan sila at maayos kung anuman ang problema ng kanilang relasyon.
Kaya naman umani ito ng samu’t-saring mga reaksyon mula sa mga netizens:
“Hangga’t may picture patuloy akong maniniwala na kayo pa rin hanggang dulo.”
“Sayang ang pagsasama nyo at ang panunuod namin sa vlog niyo na magkasama. Ang tagal kong hinintay na mag uplod ulit ng vlog niyo pero nakakalungkot kasi paano pa kayo mag-upload wala na kayo? Madaling sabihin na sana magkaayos kayo pero kaming mga fans nyo di namin alam ang totoong dahilan ng paghihiwalay nyo, kasi desisyon nyo yan. Pero sana may chance pa at di dito nagtatapos ang lahat. Siguro nga nagkulang kayo sa oras pero wag naman sa hiwalayan ang punta.”
The post Janine Gutierrez, tinapos na ang relasyon nila ni Rayver Cruz, Paulo Avelino may kinalaman nga ba dito? appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments