Marami ang naantig at humanga sa kwento na ibinahagi ng isang head-teacher sa isang pampublikong paaralan tungkol sa isang ama na todo suporta sa kaniyang anak na nagbabakasali na makahanap ng trabaho sa kabila ng kaniyang kapansanan.
Sa post ni Zaldy Ordiales Bueno, ikinwento niya ang mag-ama na kaniyang nakasalamuha sa isang ‘job interview’.
Ayon sa 50-anyos na aplikante na si Edwin Garin mula sa Atimonan, nahinto ang kaniyang pag-aaral dahil sa aksidente na nangyari sa kaniya dahilan para siya ay mahuli sa pag-aaral at nakapagtapos lamang nitong taong 2019.
Ani Edwin,
“Na delay po ang pag-aaral ko dahil sa aksidente kaya naka wheelchair po ako. Buti na lang, nakapag-ALS ako noong 2014 at nakapasa sa test at naka graduate ng high school noong 2015.
“Nag college po ako sir para matupad ang pangarap ko. Nag education po ako at nakapasa sa LET noong 2019. Kaya sumusubok po ako ngayong mag-apply para makatulong sa magulang.”
Dagdag ni Edwin, anim na taon na siyang tinutulak at sinasamahan ng kaniyang 75-anyos na ama kaya naman nais din niya na masuportahan ang kaniyang mga magulang at maibalik sa mga ito ang sakripisyo na kanilang ginawa para sa kaniya.
Bukod dito, ang kaniyang ama ay kasama din niya na umaasa na siya ay magiging ganap na guro balang araw.
Humanga naman si Edwin sa dedikasyon na ipinakita ni Zaldy kaya naisip niya na personal itong irekomenda sa ibang paaralan na naghahanap ng punung guro.
Dahil sa kaniyang nasaksihan, isang paalala din ang kaniyang iniwan.
Aniya,
“Sa mga kabataang malalakas pa sa kalabaw?”
“At wala namang mga kapansanan,”
“Sino tayo para sumuko?”
“Sino tayo para bumitaw?”
“Na sa mga hamon ng BUHAY,”
“Sino tayo para umayaw?”
Minsan ay may mga pagsubok tayong pagdadaanan sa buhay ngunit kung ito ay sasabayan mo ng tibay ng loob, dedikasyon, tiyaga, at sipag, idagdag pa ang iyong mga magulang na palaging umaalalay at nakasuporta sa iyo, ay tiyak na ikaw ay magtatagumpay.
The post Isang Ama, Matiyagang Sinasamahan Ang Kaniyang 50-anyos Na Anak Na Mag-apply Ng Trabaho appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments