Looking For Anything Specific?

Narito ang guide para makapag-avail ng Maternity Benefits para sa mga Empleyado at Self-Employed


Isa ka ba sa mga nagtatanong kung paano makakuha ng benepisyong Maternity sa SSS? Kung ganoon ay maaaring basahin ang artikulo na ito para malaman mo kung paano makakuha ng benepisyong maternity empleyado man o kahit hindi ka nagtatrabaho.

Malaki ang pag-asang dala sa mga kababaihan ng Expanded Maternity Leave Act, na naglalayong bigyan ng 120 araw na paid leave ang mga bagong panganak na nanay (Ang Expanded Maternity Leave Act, na naging ganap na batas noong Marso 11, 2019, ay nagbibigay ng 105 na araw ng paid leave sa mga babaeng bagong panganak). Pero bukod dito, malaking tulong din ang dala ng Social Security System (SSS) Maternity Benefit.

SINO ANG PWEDENG MAKINABANG SA SSS MATERNITY BENEFITS?

“SSS maternity benefit is for all members of SSS regardless of employment status,” (Ang SSS maternity benefit ay para sa lahat ng miyembro ng SSS, anuman ang kanilang employment status) ang sabi ni Sharlene M. Picache, dating HR specialist. Ayon sa SSS website, ang mga empleyadong babae (may-asawa o wala) na nanganak, o nagkaroon ng ectøpic pregnancy, or nakunan, ay maaaring makinabang sa SSS maternity benefit.

Ang kailangan ay sundin at tama ang mga sumusunod:

– Nakabayad ang babaeng empleyado ng hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng 12 na buwan bago ang semester na siya ay nanganak o nakunan.

Halimbawa, kung ang due date niyo ay Disyembre ngayong taon, makikinabang ka sa benepisyo kung nakabayad kayo ng kontribusyon ng kahit tatlong buwan lamang mula Hulyo 2018 hanggang Hunyo 2019. Magbilang ng anim na buwan (isang semester) bago ang iyong due date, at i-check ang iyong kontribusyon mula sa buwan na iyon hanggang 12 buwan pabalik.

– Nagbigay-alam ang babaeng empleyado sa kanyang employer o sa SSS (para sa mga self-employed, boluntaryo, o mga miyembrong hindi na nagtatrabaho) na siya ay nagdadalang tao at nagbigay ng patunay nito. Sa ibaba, nakalista ang mga patunay ng pagbubuntis na hinihingi kasama ng paraan ng pag-apply para dito.

PAANO NGA BA ANG MAG-APPLY NG SSS MATERNITY BENEFITS?

Ang pinaka importante ay ipagbigay-alam sa iyong employer at sa SSS ang tungkol sa iyong pagbubuntis sa pamamagitan nito:

1.) Fill-up-an ang SSS Maternity Notification (i-download ang form dito).

2.) Ipasa ang Maternity Notification form kasama ang patunay ng iyong pagdadalang tao. dahil ang alinman o lahat ng mga sumusunod: Ang inyong pregnancy test stick, ultrasound report, o medical certificate galing sa inyong doktor.

3.) Ihanda ang mga photocopy ng inyong Unified Multi-Purpose ID card (UMID) o SSS biometrics ID card at dalawang valid IDs na may pirma, at kahit isa na may litrato ninyo at araw ng kapanganakan. Kung wala pa kayong UMID o SSS ID, kailangan ninyong kumuha nito.

Samantala, Kung ikaw ay empleyado, ang inyong kumpanya ang magpa-file ng inyong mga dokumento sa SSS. Ipasa lamang ang inyong mga dokumento sa Human Resources (HR) sa pinakamadaling panahon dahil kailangan itong mai-file 60 araw mula sa petsa ng pagbubuntis.

Maaaring hindi ma-approve ang iyong application kung lumampas ang petsa ng iyong pagbibigay-alam dito.

PAGKATAPOS IPAGBIGAY ALAM SA SSS, NARITO ANG KASUNOD!

Dapat ay siguraduhin na mayroon kang kopya ng SSS Maternity Notification Form na inyong ini-file, na may tatak na katunayang natanggap na ito ng SSS.

Ito ay isa sa mga hihingin sa pag-apply mo ng reimbursement ng inyong SSS Maternity Benefit. Heto ang kailangan mo kapag ikaw ay nakapanganak na:

1.) Ang iyong SSS Maternity Notification Form na tinatakan ng “Received” ng SSS.

2.) SSS Maternity Benefit Reimbursement Form na iyong na-fill-up-an (i-download ito dito).

3.) Photocopy ng iyong UMID o SSS biometrics ID card at dalawang valid IDs na mayroon pirma, at kahit isa na may litrato at araw ng kapanganakan

4.) Katunayan ng panganganak o proof of live birth (birth certificate). Para sa mga nanganak ng “normal”, Kumuha ng certified true copy ng rehistro ng birth certificate mula sa local civil registrar (gamitin yung may tatak na “Certified True Copy”) o galing sa NSO, na maaaring abutin ng dalawa hanggang apat na buwan bago makuha.

(Basahin dito kung paano nakakuha ang isang nanay ng birth certificate ng kanyang anak mula sa NSO kahit wala pang isang buwan). Hindi mo maaaring gamiting katunayan ang birth certificate na galing sa ospital kung saan ka nanganak.

Para sa mga na-CS, nangangailangan ang SSS ng katunayan ng C-section bukod pa sa certified true copy ng birth certificate. Maaaring ito ay certified true copy ng operating room record, surgical memorandum, discharge summary report, medical clinical abstract, delivery report, o isang detailed invoice ng C-section delivery charges para sa mga nanganak sa ibang bansa.

MAGKANO ANG MAAARING MAKUHA MULA SA SSS MATERNITY BENEFIT?

Ganito kwentahin ang SSS maternity benefit: 100 percent ng average daily salary ng miyembro x 60 araw para sa normal delivery, o 78 araw para sa C-section o kapag nakunan.

Sa 12 na buwang nabanggit sa itaas, idagdag ang anim na pinakamataas mong kontribusyon para makuha ang iyong total monthly salary credit.

I-divide ang inyong total monthly salary credit ng 180 na araw para makuha ang iyong average salary credit o inyong daily maternity allowance. I-multiply ito sa 60 o 78 na araw para makuha ang kabuuang halaga.

Sa ilalim ng batas, obligado ang kumpanya na i-advance ang maternity benefit ng empleyado sa loob ng 30 araw pagkatapos mai-file ang maternity leave application. Ire-reimburse naman ng SSS ang halagang ito sa kumpanya.

ANG SELF-EMPLOYED SSS MEMBER AY PAREHO LAMANG NG PROSESO?

Ipapasa ng mga self-employed member, voluntary member, at mga miyembrong hiwalay na sa kanilang employer ang Maternity Notification form sa pinakamalapit na SSS branch. Maari rin nilang ipaalam sa SSS ang kanilang pagbubuntis sa pamamagitan ng SSS website, sa SSS Self-service Information Terminal (SSIT), o sa SSS Mobile App.

Pagkapanganak, i-fill-up ang Maternity Benefit Application Form (i-download dito) at i-attach ang inyong SSS Maternity Notification Form na may tatak galing sa SSS. (kung online mo ipinasa ang iyong pregnancy notification, sapat na ang “Maternity Notification Submission Confirmation”).

Huwag kalimutan ang certified true copy ng registered birth at photocopy ng UMID o SSS biometrics ID card, kasama ang dalawang valid IDs na may pirma, at isang ID na may litrato at araw ng iyong kapanganakan. Kailangan mo ring isama ang proof of birth (gaya ng nasabi sa itaas).

Ang mga miyembrong nahiwalay na sa kanilang employer ay kailangang magbigay ng certificate of employment na nagpapakita ng petsa ng pag-alis at isang certificate na walang naibigay na advanced payment galing sa huling employer. Sa ilalim ng batas, hindi mo na maaring makuha ang iyong maternity benefit kapag nakuha mo na ang iyong sickness benefit.

Source: iMoney

Post a Comment

0 Comments