Ibinunyag ng aktor at talent manager na si Ogie Diaz na sa lahat ng mga lalaki na pumasok sa buhay ng aktres na si Julia Barretto, mas gusto ng kaniyang ina na si Marjorie ang kaniyang partner ngayon na si Gerald Anderson dahil sa ilang mga rason.
Sa bagong upload na vlog ni Ogie sa kaniyang YouTube channel, nagkaroon sila ng pag-uusap ni Marjorie at ipinaliwanag ng huli kung bakit mas gusto niya ang Kapamilya hunk actor.
Sinabi ni Marjorie na nakita niya kung paano alagaan ni Gerald ang kaniyang anak kung saan nakuha ng aktor ang pagmamahal at respeto niya.
Sa selebrasyon ng ika-24 kaarawan ni Julia noong Marso, inihayag ni Marjorie at ng kaniyang panganay na anak na si Dani Barretto ang pagmamahal nila para sa aktres.
Proud din nilang ibinahagi kung gaano kasaya ngayon si Julia dahil sa pagiging stable ng kaniyang career at lovelife.
Sa Instagram, parehas nilang binati ang aktres.
Ani Marjorie,
“I feel this peace in my heart as we celebrate your birthday today, i feel your happiness, Jul. The happiest i have seen you in years.
“And that is my answered prayer. For always and forever you have me, behind and beside you. Happy Birthday to my daughter, my friend, my heart and my life. We love you so much [heart emoji]”
Sa kabilang banda, saad naman ni Dani,
“To my original baby and #1 fan, hahahaha happy happy birthday, My Juju bear!!
“Seeing you at your happiest makes my heart so so so happy. That’s all I ever wanted for you.”
Pinasalamatan din ni Dani si Julia sa pagiging magandang impluwensiya nito sa kaniyang anak na si Millie.
Dagdag ni Dani,
“May this year bring you more blessings and never ending happiness. I’ll always be here for you no matter what.”
The post Marjorie Barretto, May Rebelasyon Tungkol Kay Gerald Anderson Na Ngayon Lang Nalaman Ng Publiko appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments