Looking For Anything Specific?

Willie Revillame, Nagbigay ng Tig-Isang Milyon sa Siyam na Mayor ng Siargao

Kamakailan ay kabilang ang Siargao sa pinaka-naapektuhan ng bagyong Odette. Maraming kabahayan, kabuhayan at imprastraktura ang nasira sa isla. Maraming kilalang personalidad na rin ang nagpaabot ng tulong at isa dito si Kuya Wil. Ipinamalas niya uli ang kanyang kabutihang loob para sa ating mga kababayan.

Bukas palad na naman siyang nagbigay ng donasyon para sa Siargao. Sa episode ng programang Wowowin nitong Disyembre 23, si Bitoy ng Bubble Gang ang pansamantalang pumalit kay Kuya Wil.

Ayon sa kanya, “Kaya ako nandidito, si Kuya Wil lumipad papuntang Mindanao para maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Odette.”

Credit: PTV

Sa isang interview ng Radyo Singko nina Ted Failon at DJ ChaCha, sinabi ni Kuya Wil na baka doon na siya magpalipas ng Pasko sa Mindanao. Aniya, “Ito na lang ang Pamasko ko sa kanila. Kung meron tayong kaunti, kahit papaano eh makatulong tayo.”

“Kung andito ka, dudugo ang puso mo, sasabihin mo sa Panginoong Diyos, napakaswerte kong tao. Napakaswerte ko at pinagpala ako ng Panginoon pero I want to share my blessings. Meron naman ako naipon kahit papaano. Nagbigay ako ng tigwa-one million sa siyam na Mayor dito para pambili lang ng bubong, makapagsimula lang sila.”

Credit: KAMI

Matatandaan na noong Disyembre 20 sa kanyang programang Wowowin ay pansamantalang itinigil ni Kuya Wil ang awitan para magpaabot ng pakikiramay sa mga kababayan nating biktima ng bagyong Odette. Inanunsyo din niya na handa siyang tumulong kahit pa nga gawin daw siyang utusan upang marating ang mga liblib na lugar—gagamitin ang kanyang helicopter bilang transportasyon. Dahil sa marami pa ngang nakaharang sa mga daanan ay mas convenient na through air sila bumyahe.

At hindi lang dito nagtatapos ang tulong na inalok ni Kuya Wil dahil napag-alaman na namigay ito ng malaking halaga. Tig-iisang milyon sa siyam na Mayor ng munisipalidad ng Siargao ang ibinigay ng TV host comedian. Ito ay para umano makatulong sa pagpapaayos at muling maibalik ang ganda ng Isla ng Siargao. Ani nga ni Kuya Wil, napakaswerte niyang tao dahil pinagpapala siya ng Panginoon kaya nais niyang ibahagi ang kanyang blessing sa mga nangangailangan.

Credit: PTV

Agad namang umani ng papuri ang kabaitang ito ni Kuya Wil. Marami ang nagsabi na kaya mas lalo siyang nabi-bless dahil ipinapamahagi din niya nag kanyang biyaya. Ito ang naging komento ng mga netizens sa kanyang acts of kindness:

“May our God Almighty continue to bless you so that you could be a blessing to others. Salute to this man.”

“Ang blessed ng Pilipino, may tulad ni Kuya Wil na handang tumulong sa panahon ng sakuna o anong kalamidad na walang hinihintay na kapalit. God bless Kuya Wil. Si Lord na bahalang magbalik ng milyon times na siksik at nag-uumapaw na blessing.”

Credit: Greenpeace

“Ganito dapat ang totoong may malasakit, walang madaming dada. God bless Kuya Wil. Mabuhay ka pa sana ng sobrang haba ng makatulong ka pa sa mga nangangailangan.”

“Kusang nagbibigay, no need pumasok sa pulitika at mangurakot tapos kunyare ipapamigay sa mga tao. Good health lang lagi Sir Willie at nawa’y pagpalain ka pa ng umaapaw na biyaya in Jesus name.”

“Last night, I prayed to God to help the people of Siargao. Typhoon Odotte wreaked havoc on the area and its people, and now my prayers have been answered through you, Sir Willie Revillame. Idol kita forever!”

The post Willie Revillame, Nagbigay ng Tig-Isang Milyon sa Siyam na Mayor ng Siargao appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments