Looking For Anything Specific?

Video ni Angeline Quinto na litaw ang baby bump viral ngayon sa social media!

Viral ngayon sa social media ang video ng Kapamilya singer actress na si Angeline Quinto. Kung saan kapansin pansin na ang kanyang baby bump.

Ilang araw na ngang usap-usapan ang diumano’y pagbubuntis ni Angeline. Unang lumabas ang balita ng aksid’en’te raw na nahagip ng camera ang teleprompter sa naganap na concert ni Angge sa Metropolitan Theater sa Maynila. Kung saan pinagdiwang niya ang kaniyang ika-isang dekada sa industriya.

Makikita sa nasabing teleprompter na nakuhaan ng video ang mga salitang. ‘Angge to share pregnancy journey, pregnancy kit, 1st ultrasound, at lumalaki ang tiyan’

May mga larawan din ng singer actress na makikitang tila malaki nga ang dinagdag ng kanyang timbang.

Napansin din ng ilan na tuwing bumibirit ng kanta si Angge ay nakahawak sa kanyang tiyan. Na tila may baby bump na din.

Nag-spark din ang nasabing balita nang sunud-sunod ang mga cryptic messages ni Angge sa social media.

Makatapos naman nito ay kinumpirma naman ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog na limang buwan na ngang nagdadalang tao si Angge.

Ayon kay Ogie, may common friend sila ni Angeline. At sinabi nitong lalaki umano ang magiging anak ng mang-aawit sa kanyang non showbiz boyfriend.

At ngayon naman ay isang TikTok video ang nag-viral kung saan makikitang nasa airport ang singer actress.

Nakasuot siya ng black dress at may denim jacket, kapansin pansin naman na halata na nga ang baby bump dito ni Angge.

Samantala, sa ngayon ay wala pang pahayag si Angeline tungkol dito.

The post Video ni Angeline Quinto na litaw ang baby bump viral ngayon sa social media! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments