Looking For Anything Specific?

Aiko Melendez, sobrang dismayado sa babaeng tinaguriang ‘Poblacion Girl’ na nag-viral dahil naka-attend diumano ng party kahit under quarantine pa ito!

Badtrip din ang aktres na si Aiko Melendez sa tinaguriang ‘Poblacion Girl’ na si Gwyneth Chua.

Ilang araw na ngang trending ang ‘Poblacion Girl’ at ‘Gwyneth Chua’ dahil sa mga naglabasang balita.

At kahit ang mga sikat na artista, hindi nagpaawat sa pagbira kay Chua.

Si Aiko Melendez nga ay pinakita pa ang resulta ng anti6en sw4b test nilang mag-anak para ipakita kung gaano sila karesponsableng mamamayan.

Saad ni Aiko sa kanyang post, “Poblacion Girl – Happy New Year???

“Today alert 3 tayo uli… Habang ang majority ng tao sinusunod talaga ang lahat ng Protocols. Meron pa din talaga ang iilan na nakakagulat they claim na me connections sa hotel? Government? Parang nakakahiya naman to.

“For some ikot nang ikot lang, walang pakialam basta makaikot. ‘Wag niyo antayin na lahat ng actions niyo tapos ang balik ang ‘di niyo kakayanin.

“Kami kung naging mindful din ang mga tao sa paligid ng dad ko, He could have been alive till now… So reminder naman sa mga tao pigilin niyo muna ung eagerness nyo gumimik kasi makakaantay naman ‘yan. Tamo tong Poblacion Girl dahil sa kagustuhan mag-party-party tumaas na naman ang me c0vid.

“Habang kami ang karamihan nagtitiis na ‘di muna makita ang mga kaibigan namen sa labas dahil safety ang hanap at habol namen. Sana naman kapag natapos na ni Poblacion Girl ang quarantine niya sa ibang hotel, eh maturuan ng leksyon at maparusahan kasi dito nanaman iiral ang palakasan sa connections.

Sa huli ay sinabi ni Aiko na sana ay wag ng maging matigas ang ulo ng mga tao. At sumunod na lang sa mga safety protocol ng gobyerno.

Narito ang kabuuan ng post ni Aiko:

The post Aiko Melendez, sobrang dismayado sa babaeng tinaguriang ‘Poblacion Girl’ na nag-viral dahil naka-attend diumano ng party kahit under quarantine pa ito! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments