Looking For Anything Specific?

Paolo Contis, prangkang sinagot ang mga Marites na netizens kung buntis nga ba si Yen Santos!

Mariing pinabulaanan ni Paolo Contis ang kumakalat na balita na buntis diumano si Yen Santos.

Kamakailan nga ay umugong ang haka-haka na nagdadalangtao si Yen. Ito’y matapos kumalat ang mga larawan nila ni Paolo na magkasamang magbabakasyon sa Boracay.

Makikita sa mga larawan, na nakasuot ang aktres ng oversized long sleeve shirt at maumbok ang tiyan.

Kaya naman maraming netizen ang naghinala na buntis ito.

Ngunit sa showbiz vlog update ni Ogie Diaz, mariing itinanggi ni Paolo ang nasabing alegasyon.

Ani Ogie, sinabi daw sa kanya ni Paolo na nagmukha lang malaki ang tiyan ni Yen dahil sa hangin.

“‘Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos,” saad ni Ogie.

“Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time,” dagdag pa ng talent manager.

Saad pa nga ni Ogie ay wag na lang daw pangunahan ang dalawa sa tunay na ugnayan ng mga ito.

“Hintayin natin silang dalawa. Hindi para pangunahan natin sila at umepal-epal tayo dito,” say pa ni Ogie.

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Yen sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Paolo at dati nitong partner na si LJ Reyes.

Ngunit sinabi ni Paolo na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na namataang magkasama sina Yen at Paolo. Nauna ng magviral ang pagpunta nila noon sa Baguio ‘as a friend’

At nasundan pa ito ng maraming beses, ngunit tikom pa din ang bibig ng dalawa sa kung ano na nga ba ang meron sa kanila.

The post Paolo Contis, prangkang sinagot ang mga Marites na netizens kung buntis nga ba si Yen Santos! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments