Looking For Anything Specific?

Ama, mas ginustong mamalimos kahit piso- piso kaysa mamalagi sa kaniyang mga anak na walang pakialam sa kaniya


Ang mga magulang ay may responsibilidad sa kanilang mga anak. Ito ay bihisan, pakainin, palakihin, pag- aralin at gabayan. Ngunit kapag natapos na ang mga responsibilidad na iyon ay kaya mo nang tumayo mag isa, ano naman ang gagampanan mong responsibilidad sa kanila?

Nakakalungkot isipin na may mga anak na itinatakwil na ang kanilang mga magulang kapag ito ay tumanda na. Tinitingnan nila itong walang silbi dahil hindi na makakilos ng maayos dala ng katandaan.

Kagaya na lamang ng kawawang lolo na ito na kung saan natagpuan ng vlogger na si Denso Tambyahero habang namamalimos sa daan.Ang kaniyang pangunahing layunin sa kaniyang mga vlogs ay ang tumulong sa mga nangangailangan.

Labis na dinurog ng lolo na nakilalang si Tatay Eddy Gabriel ang puso ng madla matapos ibahagi ang kaniyang kwento kung bakit siya nauwi sa panlilimos

Minsan na siyang nag viral sa social media at ibinahagi ang kaparehong kwento ngunit doon niya napatunayan na ang kaniyang mga anak sa Davao at Cotabato ay wala na talagang paki alam sa kaniya dahil wala naman daw itong ginawa para makuha siya.

Hindi napigilan ni Tatay Eddy ang humagulgol at sinabing tanggap na niyang mag- isa at sa katunayan ay mas gugustuhin niya pa iyon kaysa ang makasama niya ang kaniyang mga anak. Ikinuwento niya din na sinasåktån siya ng asawa ng kaniyang anak.

Noon ay isa siyang mahusay na karpintero ngunit nang tuluyang lumabo ang kaniyang mga mata ay hindi na niya magawa ang trabaho kaya naman iginagapang na lang niya ang kaniyang pang kain sa araw- araw kahit sa pa-piso- pisong halaga na napanlilimusan niya.

Nais sana ng vlogger na pakainin si Tatay ngunit tumanggi ito at sinabing pang mayayaman lamang ang kainan na iyon. Kaya siniguro naman ni Denso na mayroong kakainin si Tatay Eddy sa susunod pang mga araw at nangakong tutulungan ito sa pagkalap ng ilan pang donasyon na ibibigay para sa kaniya.

Post a Comment

0 Comments