Looking For Anything Specific?

Driver na isinauli ang bag ng isang foreigner na naglalaman ng P2 milyon kahit nangangailangan, hinangaan ng madla!


Sa hirap ng buhay ngayon, kinakailangan mo na talagang kumayod ng doble o triple pa para lamang makaahon sa hirap o malampasan ang bigat ng mga bayarin.

Sa kabila ng mga hirap na ito, nanaisin mo na lang din sumuko at humanap pa ng mas madaling paraan upang masolusyonan ang mga problema sa pera.

Darating ang panahon na matutukso tayo lalo na sa pera sapagkat aminin man natin o sa hindi, dito na umiikot ang mundo ng mga tao.

Marami rin ang nangangarap na magkaroon ng malaking pera at ang iba naman ay may pabirong pangarap na sana makapulot sila ng malaking pera.

Paano na lang kung sakali makapulot ka ng pera na may malaking halaga? Paano gagawin mo at ano ang nararapat mong gawin?

Gaya na lamang sa pangyayari na ito na ating tutunghayan na isang driver ang nagsauli ng bag ng foreigner.

Pinahanga ng isang driver ang madla matapos maging matapat nang ibalik ang bag ng isang foreigner na may laman lang naman ng tumatagingting na 2 milyong piso.

Bagamat pagiging motorcab driver ang pinagkakakitaan ni Dennis Geverola mula sa Sogod, Leyte, hindi siya nagpadaig sa tukso bagkus ay naghari sa kaniya ang katapatan.

Labis ding natuwa ang kanilang Mayor kaya naman bilang pasasalamat at pagmamalaki sa lahat ng kaniyang katauhan ay hinandugan siya ito ng Facebook post.

“On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to commend the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May god bless you!”

Madami ang humanga sa kaniya. nawa ay madami pa din ang ganitong klase ng tao.

Post a Comment

0 Comments