Looking For Anything Specific?

Apat na Taong Gulang na Bata, Kinailangang Operahan sa Mata dahil sa Labis na paggamit ng Gadgets


Tunay na ang daming nagbago sa ating paligid maging sa ating mga gamit. Mabilis ang paglago ng ekonomiya na kung saan sinasabayan na ito ng mga makabagong teknolohiya upang mas maging produktibo ang mga gawain.

Sa kabilang banda, hindi naman din maiiwasan na masamantala ang mga ganitong bagay na kung saan humahantong sa kapahamakan.

Isang matinding sitwasyon ang naranasan ng apat na taong batang babae na ito dahil sa mga gadgets. Ikinuwento ng kaniyang ina na si Dachar Nuysticker Chuayduang, isang Thai na edad dalawa pa lamang ang kaniyang anak ay binilhan niya na ito ng iPad upang sana ay may mapaglibangan habang siya ay nagtatrabaho.

Ngunit hindi niya inaasahan na hahantong pala sa operasyon ang paglilibang ng bata dahil nagkaroon ito ng depekto sa mata na naapektuhan ang kaniyang paningin.

Sinabi ng kaniyang doktor na ang bata ay mayroong “Lazy Eyes” na kung saan hindi sabay na gumagana ang dalawang mata. Higit pa sa kawalan ng paningin, sinabi din na nagkaroon pa siya ng tinatawag na “squinty eyes”

Mabuti na lang at naagapan agad at muling nabigyan ng pagkakataong makakita ng maayos ang bata. samantala, pinagdoble ingat ang pamilya at kabilin bilin na hindi pwedeng mag gadgets ang bata pagkat ang ilaw mula sa mga ito ay ang sumisira sa kaniyang paningin.

Bilang paalala na din sa nakararami, ibinahagi ito ni Chuayduang sa kaniyang Facebook account upang ma-alarma ang mga magulang na limitahan ang kanilang anak sa pag gamit ng gadgets at bantayan din ito baka hindi namamalayan nasosobrahan na sila sa paggamit.

Post a Comment

0 Comments