Looking For Anything Specific?

Halamang may Milyon milyong pisong halaga sa Lanao del Norte, nakakapagpatupad daw ng kahilingan!


Ang lahat ay nakaranas ng pandemya na kung saan talagang hindi inaasahan ang lahat ng nangyari kaya hindi naging handa. Samantala, inakala ng lahat na ang pandemya ay saglit lamang dadaan sa ating bansa ngunit magpasahanggang ngayon ang lahat ay namomroblema.

Madami na ang ninakaw at kinuha sa atin ng pandemyang ito. Negosyo, trabaho maging ang buhay ng ibang tao. Kaya naman nagpaimplementa ng iba’t ibang patakaran para sa kaligtasan ng lahat.

Habang iniraraos ang mahigpitang patakaran, kaniya- kaniyang hanap ng mga pagkakaabalahan ang mga tao sa bahay. Ginawan din nila ng paraan upang sila ay kumita sa pamamagitan ng online selling.

Ang iba ay pinagtuunan ng pansin ang pagpapaganda sa kanilang paligid sa pamamagitan ng mga halaman.

Muling naging mabili ang mga halaman para sa mga tinatawag na “plantita o plantito” na mahilig mamili at magkolekta ng mga halaman. Ngunit hindi nila alam na ang mga ito ay maaaring may tinatagong misteryo.

Kagaya na lamang ng natuklasan ni ginang na si Rosenda ng Baroy, Lanao del Norte. Mayroon daw halamang ibinigay ang kanilang ninong sa kasl na tinatawag na “Arwaka” na nagkakahalaga ng milyon milyong piso.

Ito ay malimit kung mamulaklak na nagiging simbulo ng kaniyang pagiging hindi pangkaraniwang halaman na nakakapagpatupad ng mga kahilingan.

Mayroon din daw kasing tinatawag na ”Queen of the Night,” na kung saan isang gabi lamang siya mamukadkad sa loob ng isang taon. Ubod ng bango raw ang mga bulaklak nito na tinawag ding “Encantada” o “Fairy’s Plant” na sinasabi ding may kakayahang magtupad ng mga kahilingan.

Post a Comment

0 Comments