Sa pag lipas ng mga panahon, mayroong mga naiimbentong mga paraan na kung saan mas napapadali ang mga bagay na ginagawa ng mano mano. Kagaya na lamang ng mga high tech na gadgets at equipment. Naroon din ang paggamit ng internet upang mas mapadali ang pag kakaroon ng koneksiyon sa iba.
Nauuso ngayon ang online delivery na kung saan ginagamitan ng app kagaya ng Food Panda, Grab Food o iba pang delivery na kayang ihatid ng mga rider.
Nitong mga nakaraan lamang nang nag viral ang mga larawan ng food delivery rider sa gitna ng malakas na ulan sa Malaysia, isa ang mga delivery riders na ito sa mga nagsasakripisyo ng kanilang mga sarili para sa mga kagustuhan ng kanilang mga kapwa.
Nagiging madalas ang pagbuhos ng ulan sa may parte ng Klang Valley tuwing gabi. Ngunit hindi iyon alintana sa mga food riders dahil ito ang kanilang trabaho at tungkulin ang maghatid ng pagkain sa kanilang mga customers.
Kagaya ng kaawa-awang food rider na ito na mag dedeliver sana ng pagkain sa mauling gabing iyon. Nakuhanan naman ng larawan ng isang netizen at ikinuwento ang mga kaganapan dito.
Ang daan daw na iyon ay basa at madulas dala ng malakas na ulan. Bigla na lamang daw dumulas ang motorsiklo sa harap niya at halos tumilapon na ang rider dito. Ang mga dumaraan daw ay tinulungan siyang tumayo ngunit mismo ang rider na ito ay walang paki alam kung siya man ay ma- injüred o hindi.
Sa kabila ng nangyare sa kaniya, mas inuna pa niyang tingnan ang mga pagkain sa kaniyang food box kung ang mga ito ay maayos pa saka kinuha ang kaniyang telepono sa lapag na kasama niyang bumagsak.
Pinahayag ng netizen na ito n asana naman daw ay hindi basta mag reklamo ang mga customers kung ang mga delivery riders ay late kung mag deliver dahil hindi naman nila alam ang mga pinag dadaanan nito para lamang maibigay sa kanila ang kanilang mga gustohing pagkain. At huwag nang ikansela kung nakapag order na.
“Try to understand the nature of their work first. They are really hard working,” sabi niya.
0 Comments