Sa panahon ngayon, ang mga pangalan ng Pilipino ay nahahaluan na ng foreign names, hindi naman bawal ito dahil malaya naman ang Sinumang pumili ng pangalan ng kanilang mga anak, at wala namang batas na nagsasabing may guidelines sa pagbuo ng pangalan ng batang isinilang.
Katulad ng kwento ng mga magulang sa kanilang tatlong anak na mayroong kakaibang mga pangalan. Ang tatlong magkakapatid ay mula sa San Fabian, Pangasinan. Pinangalanan silang, Pzxydynn Yzzyr, Djyknyll Rysym at Dzywrygh Lynzh.
Sa kakaibang pangalan ng tatlong magkakapatid, talagang mahirap itong bigkasin at basahin ng sinuman.
Napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na bigyan sila ng kakaibang pangalan dahil gusto nilang huwag matulad ang pangalan ng kanilang mga anak sa pangalan nilang mag-asawa na simple.
Ayon sa kwento ng ama, gusto nilang pangalanan ang kanilang ng walang katulad at kapareha. Nang may mag post ng kanilang ID sa social media, agad na nag trending ito dahil sa kakaibang pangalan na meron sila.
Dahil sa subrang unique na pangalan, nahihirapan daw ang kanilang mga guro at kaklase na bigkasin ito at tawagin sila sa kanilang pangalan.
Ayon pa sa isa nilang kaklase, ngayon lang daw siya nakakita ng pambihirang pangalan na walang vowels.
Ang pangalan ay isa lamang kilanlan sa isang tao, may ibat iba man tayong pangalan, mapa simple o kakaiba ang mahalaga ay ang respeto at pagkakaisa.
The post Kilalanin Ang Tatlong Magkakapatid Na Mayroong Super Unique Na Mga Pangalan Na Talagang Nakakamangha appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments