Kapansin pansin nga naman ang malaking pagkakaiba ng dating panahon sa kasalukuyang panahon. mmadami ang nabago, binabago at babaguhin pa lamang. Maaaring minsan ay nagiging malaking tulong o hindi kaya man ay perwisyo.
Kung noon ay imposibleng makipag konekta sa ating mga mahal sa buhay dala ng nasa malayo itong lugar, ngayon na mayroong internet at smartphones ay nagiging posible na ang kamustahan at balitaan.
Sumikat din ang mga online shops at online delivery na kung saan ilang click lamang ay mabibili mo na ang iyong nais na gamit o pagkain ng hindi lumalabas ng bahay.
Nang pumutok ang pandémyang ito, mas lalong naging sikat ang mga online food deliveries na kung saan sila mismo ang namimili ng mga nakasanayan at namimiss mong kainin sa mga fast foods at restaurant at ang mga naghahatid nito ay ang ating magigiting na food rider kung saan hindi alintana ang pandémya maihatid lamang ang ating mga orders.
Malaki ang kanilang mga nagiging sakripisyo sa trabaho na ito kagaya na lamang ng nakakatawang larawan ng isang grab driver na nag viral. Makikitang suot niya ang kaniyang uniporme at helmet ngunit nakalubog naman ang kalahati ng kaniyang katawan sa malaking bahagi ng tubig.
Mayroon itong caption na “Sir, tama po ba ang pin location nyo? Malulunod na po kase ako”
Samantala, hindi naman din alam kung iyon ay katuwaan lang o nangyari nga sa totoong buhay na kung saan ang magiging destinasyon ay karagatan.
Gayun pa man, madaming etizens ang naaliw at natawa sa post na ito. biro man o hindi, nararapat lamang na irespeto natin ang mga delivery riders at pasalamatan sa mga sakripisyo nito.
0 Comments