Natiklo ng kapuIisan ang dating misis ng PBA player na kinilalang si Beatrice Pia White.
Sa ulat ng Abante Tonite, inaresto si Pia alyas Janelle M. Consunji. Nasangkot umano ito sa ‘Rentangay Sangla M0dus’
Modus ng mga ito ang magrenta ng mga sasakyan at isasangla sa ibang tao.
Naaresto ang mga ito nang hiningan ng P80,000 ang nirentahan nilang Mitsubishi Mirage upang maisauli ang kanyang sasakyan.
Ayon sa ilang ulat, ang tinutukoy na dating mister ni Pia ay si Terrence Romeo. Base naman sa balita ni Cristy Fermin.
Matagal na umanong hiwalay sina Pia at Terrence. Ayon sa usapan nila ng co-host niyang si Rommel Chika. Pera at babae umano ang dahilan ng naging hiwalayan.
“Alam mo, ‘yan din naman ang pananaw ng marami e. Masyadong na-inlove si Pia kay Terrence, masyadong naging faney. Fan na fan. Hindi niya ipatatalo si Terrence kahit kailan. Bobonggahan niya ang pagsuporta. Anong nangyari ngayon, nu’ng magkautang-utang si Pia, ang dami-daming naniningil na ang daming magdedemanda, nasaan si Terrence? Tumakbo, wala na. Hindi na siya sinamahan. Hindi ba dapat ‘pag karelasyon, sa hirap at sa ginhawa,” pahayag ni Cristy.
“Nakakaawa lang si Pia kasi wala siyang tanging nagawang kasalanan kundi ang magmahal,” dagdag pa nito.
Sa ngayon ay may kakaharaping kas0 si Pia. Wala pa namang pahayag si Terrence Romeo ukol dito.
The post Hinihinalang asawa ni Terrence Romeo, timbog ng PNP dahil sa ‘Rentangay Sangla Modus appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments