Naalala niyo pa ba ang kaawa-awang bata noon na si Reymark Mariano? Maganda na ang buhay niya ngayon!
Matatandaan na noong nakaraang taon, marami ang nadurog ang puso sa kwento ni Reymark. Siya ang sampung taong bata noon na nagtatrabaho para buhayin ang kanyang pamilya.
Nag-aararo siya noon sa bukid para kumita at ipang gastos sa kanilang pangangailangan.
Nang na-featured sa KMJS ang kanyang storya, bumuhos ang tulong para kay Reymark. Umani din siya ng papuri dahil sa kanyang kasipagan sa mura niyang edad.
At makalipas nga ang halos walong buwan, nasaan na nga ba si Reymark?
Sa ngayon ay balik na siya sa pag-aaral, nakapagbukas na rin siya ng sariling bank account.
Doon niya umano inilagay ang kanyang mga naipon mula sa tulong ng mga good Samaritans.
Nang kamustahin siya ng programa ni Jessica Soho pagbabahagi ni Reymark. “Every month po may nagpapadala po sa akin ng mga kailangan po sa pag-aaral po.
“Marunong na po ako ng kaunti ng English, magbasa.”
At mula rin sa donasyon na natanggap ng kanilang pamilya, nakapagpatayo na rin ng sariling bahay sila Reymark.
Hindi na rin siya nag-aararo ngayon sa bukid para lamang may ipakain sa kanyang pamilya.
“Hindi na po ako nag-aararo. Masaya po kasi kung ano gusto ko mabibili ko na po,” masayang pagbabahagi ni Reymark.
Nakabili na rin sila ng tatlo pang kabayo na katulong na nila ngayon sa pagsasaka.
Lubos din ang naging pasasalamat ng bata sa KMJS na aniya’y naging malaking tulong para sa kanila.
“Nagpapasalamat po ako kay Ma’am Jessica kundi dahil sa kanya hindi po ako nakaunlad sa hirap. Sa ating mga OFW diyan, salamat po sa nagpadala sa akin ng pera. Promise, pagbubutihin ko po ang aking pag-aaral po.”
The post Naalala niyo pa ba si Reymark Mariano? mayroon ng sariling bahay nagayon! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments