Looking For Anything Specific?

Isang 17-anyos na Caviteño kumikita ng P150k kada buwan dahil sa kanyang paninda na ‘Kangkong Chips’

Kahit 17 anyos pa lang, daang libo na ang kita kada buwan ng binata mula Cavite na si Josh Mojica.

Anim na buwan pa lamang ang pagbebenta ng sariling kangkong chips ni Josh. Pero kumikita na siya ng PHP5,000 kada araw.

Ibig sabihin, may kita siyang PHP150,000 sa loob lamang ng isang buwan.

Kaya naman marami ang bumilib sa diskarteng ito ni Josh. Na nagsimula sa PHP3,500 na puhunan mula sa kanyang ipon.

Hunyo noong nakaraang taon ng simulan ni Josh ang kanyang Kangkong chips business. At anim na buwan pa lang ang lumilipas ay talaga namang masasabing successful na ito.

Sa panayam sa kanya ng PhilStar, ibinahagi ni Josh ma nagpaturo siyang magluto ng kangkong chips sa kanyang tita.

“Nagsimula po ako na magluto mag-isa, nagpaturo po ako sa Tita ko. Una po, parang nakalagay lang siya don sa alam niyo po yung lalagyan ng rice box na meal? Yun po may na-order na po ng mga ganun. Nasasarapan sila, may nagrerepeat order na po,” kuwento niya.

“Gumigising na po ako ng maaga kasi madaming order. 6AM mag-isa lang po ako. May nagdidip, may nagpiprito ako din po ‘yun lahat. Yun po, hanggang sa lumaki na nang lumaki,” dagdag pa niya.

Nabebenta niya ang kanyang products sa iba’t ibang lugar, gaya ng Baguio, at nakakarating na rin sa U.S. at Canada.

Pati si Sen. Ping Lacson ay umorder din ng kanyang paninda at talagang nasarapan ito sa lasa.

Marami ang na-inspire kay Josh lalo na ang katulad niyang mga kabataan. Marami na rin ang mga nag-oonline business na kasing edad niya at minsan pa ay mas bata pa sa kanya

The post Isang 17-anyos na Caviteño kumikita ng P150k kada buwan dahil sa kanyang paninda na ‘Kangkong Chips’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments