Looking For Anything Specific?

Ogie Diaz, inaming kasama rin sa sinampahan ng kaso ni Rep. Claudine Bautista ngunit ibinasura lang korte!

Kahit abswelto na si Ogie Diaz sa kasong isinampa ni Claudine Bautista Lim, lungkot pa din ang kanyang nadarama.

Hanggat maari umano ay ayaw ng magbigay ng reaksyon ni Ogie. Ukol sa kasong cyber libel ni Enchong Dee na sumampa na sa korte sa Davao Occidental.

Kasama nina Ogie at Enchong sina Pokwang, Agot Isidro, ang Filipina drag queen na si Deedee Marie Holliday. Isang Kristina Misajon, and a certain Jane Doe sa mga kinasuhan ng cyber libel ni Claudine.

Ito ay dahil sa pagbibigay nila ng opinyon sa nangyaring magarbo umanong kasalan nina Claudine at Jose Lim lll sa Balesin Island Resort noong Hulyo 2021.

Samantala, kahit abswelto na si Ogie ay hindi pa din umano siya makapagbunyi. Ito ay dahil kapwa niya vlogger at artista si Enchong na siyang tanging nasampahan ng kaso.

“Kaya hindi ko dini-discuss ito sa YouTube ko kasi ‘yung kasamahan namin parang… masarap magbunyi kung lahat kayo panalo.  Magbubunyi ka tapos ‘yung isang kasama mo, nandoon pa rin siya.

“Siyempre sad ako for Enchong pero sana maayos, sana ganu’n din ang kalabasan ng tulad sa amin.

“Pero hindi pa tapos (yung sa kanila nina Agot at Pokwang) kasi depende na lang kung may aapela,” paliwanag ni Ogie.

Aminado naman si Ogie na malaking leksyon ito para sa kanya. At sa lahat ng katulad niyang mahilig magbigay ng opinyon.

Aniya, “Lesson learned yan for all of us, na kahit alam mo sa sarili mo na di naman libelous, e, mayroon pa rin palang masasaktan dun sa opinyon mo.”

The post Ogie Diaz, inaming kasama rin sa sinampahan ng kaso ni Rep. Claudine Bautista ngunit ibinasura lang korte! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments