Looking For Anything Specific?

Ivana Alawi, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa sosyal at mamahaling hotel na may halagang P1-Million!

Bongga ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Ivana Alawi.

Talagang mapapa wow at sana all ka sa naging birthday celebration ng vlogger at actress na ito.

Nagdiwang kasi ng ika-25 na kaarawan si Ivana noong araw mismo ng pasko December 25. Bilang pasasalamat sa isa pang taon, nag book sa Okada hotel ang vlogger.

Kasama niya ang kanyang buong pamilya pati na rin ang mga kasambahay at staffs. Tatlong kwarto ang nabook ni Ivana para sa kanilang tutuluyan.

Pero pag dating nila sa mamahaling hotel, ginawa na lang pala isang malaking kwarto na may sariling pool at chef na magluluto para sa kanila.

Dahil sa ganda at laki ng pinag stayan nila, tinanong ni Ivana kung magkano ang halaga nito. Laking gulat nila nang sabihin ng staff na naghahalaga ito ng 1 million pesos per night.

Kahit sino ay malulula sa presyo nito dahil katumbas na halos ng isang bahay o ng sasakyan ang per night dito.

Kaya agad naman biro ni Ivana, wala daw matutulog para masulit ang isang milyong piso para sa isang gabi.

Madami naman sa kanyang mga fans ang nalula sa presyo ng hotel room nila. Mapapa sana all at wow ka na lang talaga.

Happy 25th birthday, Ivana!

 

The post Ivana Alawi, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa sosyal at mamahaling hotel na may halagang P1-Million! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments