Looking For Anything Specific?

Jake Zyrus, pumutok sa galit at hindi napigilang makapagmura dahil sa pagkumpara sa kanya kay Charice Pempengco

Galit na galit na at napamura pa si Jake Zyrus nang mabasa ang mga komento ng ilang netizens.

Ito ay matapos ikumpara siya sa dati niyang katauhan na si Charice Pempengco.

Naglabas kasi ng bagong kanta si Jake na may titulong Fix Me.

Ang kanyang solid fans na suportado pa din siya hanggang ngayon ay masaya para sa singer. Ngunit hindi naman maiwasan ng iba na manghinayang pa din sa dati niyang katauhan.

Hindi maitatanggi na magaling talaga kumanta noon si Charice. Kaya ganoon na lamang ang pagka-miss ng karamihan sa kanya.

Pero hindi ito ikinatuwa ni Jake at napamura pa sa sobrang galit.

“I don’t care if you want to listen to my Charice songs all d4mn day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you d$mba$$ MF, boses ko pa rin ‘yon. Nag-transition lang,” galit na lahad ni Jake.

Paliwanag ni Jake, okay lang naman daw kung mapansin nila na may halong boses pa din ni Charice ang kanta niya ngayon. Pero ang ayaw lang daw niya ay ipagdidiinan sa kanya ang dating “Charice.”

“Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled.”

Pinilit na daw noon ni Jake na tiisin ang mga interviews tungkol sa kanyang kasarian. Tiniis niya daw ang mga komento para lang “ma please” ang mga tao.

“Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na ‘to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it,” dagdag pa niya.

Lumalabas na pagod nang mag basa ng komento si Jake tungkol sa mga desisyon niya sa buhay lalo na sa pagpapalit ng kasarian at pangalan.

Ano ang opinyon mo dito?

The post Jake Zyrus, pumutok sa galit at hindi napigilang makapagmura dahil sa pagkumpara sa kanya kay Charice Pempengco appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments