Looking For Anything Specific?

Juday, Praktikal na Ina, Mas Pipiliin Ibili ng Grocery ang Pera Kaysa Luxury Bag

Nakaka-inspire talaga ang isang tao kapag alam niyang manimbang sa sarili niya kung ano ang mas importante—kung yung wants niya ba or yung needs niya lalo na kung isa na siyang pamilyadong tao. Judy Ann Santos Agoncillo a.k.a Juday has never considered herself as ‘magarbo’.

Aminado naman siya sa sarili niya na hindi siya immune sa mga luxury bag. Sinabi naman niya na, “Oo, gusto ko din naman yung mga ganung klase ng gamit pero kapag naiisip ko pa lang yung presyo… jusko nananakit na ang puso ko,” natatawa pa niyang saad.

Credit: Instagram / officialjuday

Kaya ko naman bumili ng branded na bag pero yung installment nga lang. Talagang nanghihinayang ako sa pera, pwede naman ako gumamit ng bayong, katsa bag or ecobag,” dagdag na pahabol niya.

“Four hundred thousand para sa bag? Panginoon kong Diyos… marami na akong mabibili na grocery nun,” natatawa pa ring turan niya.

Credit: Instagram / officialjuday

Juday says she can’t bear the thought of spending thousands on a single luxury item, kaya naman instead na ibili ng mamahaling gamit ang kanyang pinaghirapan ay mas pipiliin pa niya na ibili na lamang ito ng grocery ng family nila at iba pang mga basic needs.

Since she is more of a shirt, jeans, sneakers type of woman, mas pinipili niya na wag bumili ng mga gamit na hindi naman niya magagamit araw-araw. This is aside from the fact na that she feels ‘panghihinayang’ when she spend a big amount of money para lang sa isang luxury bag.

Credit: Instagram / officialjuday

Sa kabilang banda ay inamin naman ng aktres na mayroon siyang Hermes at Chanel bag that she bought but she had to consider a lot of things bago niya napagdesisyunang bilhin ang naturang gamit. However, Juday said that she has other luxury bag, pero ang mga ito ay bigay sa kanya ni megastar Sharon Cuneta. Alam kasi ni ate Sharon na gusto ko din naman ng mga ganung klase ng gamit pero hindi ko talaga sya kayang isapuso na bilhin nakangiting turan pa ni Juday.

Credit: Instagram / officialjuday

Maraming netizens ang humanga kay Juday dahil sa nasabing interview, kasi kahit na nasa estado ng pamumuhay si Juday na kaya niyang makuha ang lahat ng naisin niya ay hindi niya ginagawa. Mas nangingibabaw pa din sa kanya ang pagiging praktikal, na mas uunahin ang needs ng pamilya kesa sa pansariling interes lamang. Dahil sa panahon ngayon, hindi na mahalaga kung mamahalin o hindi ang gamit mo. Mas dapat na pagtuunan ng pansin ay ang makapag-ipon para sa oras ng pangangailangan ay may madudukot ka. Lalo at marami sa atin ang nawalan ng trabaho mula ng magkaroon ng pandemya.

Credit: Instagram / officialjuday

Mas bigyan natin ng time ang ating mga mahal sa buhay, spend more happy memories with them rather than buying luxury items, mas pahalagahan natin sila higit kanino man o sa anupaman. Dahil dito sa mundong ibabaw hindi natin alam kung hanggang kailan lamang ang ating ilalagi. Ang materyal na mga bagay ay panandalian lang naman ang ibibigay sa atin na kasiyahan. Sinupin na maigi ang perang pinaghihirapan, isiping mabuti kung dapat ba talaga o hindi ang paglalaanan natin nito.

The post Juday, Praktikal na Ina, Mas Pipiliin Ibili ng Grocery ang Pera Kaysa Luxury Bag appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments