Matapos ang seremonya, inihatid pa ng isang helicopter ang newlyweds saka nag-hotel sa Conrad Manila kung saan doon naganap ang reception at doon na din nag-honeymoon ang bagong kasal.
Sa isang maikling video, ibinahagi pa ni Kris sa kaniyang Instagram account ang masayang unang araw nila bilang mag-asawa. Pero makalipas lamang ang isang araw ay kinakailangan ng pansamantalang maghiwalay nina Kris at Perry sa isa’t isa. Ito ay dahil sa kinakailangan ng bumalik sa trabaho ni Kris bilang artista.
Sa kaniyang Instagram post, malungkot niyang ipinakita ang pagiimpake ng mga damit na dadalhin niya sa taping.
Saad ni Kris sa caption,
“Gusto kong umiyak sa pagod. I’ll have a lock-in taping for a teleserye starting tomorrow and it will last for more than a month.
“I just started packing but seryoso, pagod na pagod ako”
Bilang isang pride, dumaan sa matinding pagpaplano si Kris para sa kanilang kasal ni Perry. Hindi din biro ang puyat at pagod na kaniyang kinaharap, lalo na sa gabi ng kanilang actual wedding. Sinabi niya na hindi pa siya nakakapagpahinga ng tuluyan ngunit kailangan na niyang magsimula sa trabaho.
Bukod pa diyan, siya at si Perry ay magiging long-distance relationship o LDR din ilang araw lamang matapos ang kanilang kasal.
Sa huli, nagpasalamat si Kris sa kaniyang asawa dahil sa pagiging maunawain nito at pinayagan siyang gawin ang nasabing teleserye. Inihatid pa siya nito sa hotel.
Ani Kris sa kaniyang IG post,
“Thank you my hubby for allowing me to accept this teleserye considering that I’ll lock-in taping for more than a month. I’ll see you in November.”
Ipinakita din ni Kris ang kwarto ng hotel na kaniyang tutuluyan sa loob ng 10 na araw na quarantine. Gayundin ang makapal na scripts na kailangan niyang pag-aralan na ayon kay Kris ay kailangan niyang galingan.
Samantala, muling nagbahagi si Kris ng ilang kaganapan sa kakatapos nilang kasal at mga unseen moments na ngayon lang ibinahagi sa publiko.
The post Kris Bernal Iniwan Agad Ang Asawa Isang Araw Matapos Ikasal appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments