Dahil sa isang larawan na nagviral sa socmed ng isang batang tatlong taong gulang, na tila ang akala nito ay natutulog lamang ang namayapang ama. Ang mga kaawa-awang bata na naghihignapis sa pagkawala ng kanilang ama ay hinandugan ng tulong ng programa ni Raffy Tulfo. Binigyan ang mga naulilang batang ni Idol Raffy ng Php 50,000 para sa kanilang mga pangangailangan, dahil nagpag-alaman din ng programa na hindi lang basta naulila ang mga batang ito, iniwan din di-umano ang mga ito ng kanilang sariling ina.
Kaya sa sitwasyon ng mga bata ay hindi nagdalawang isip si Idol Raffy na tulungan ang mga ito na sa mura nilang kaisipan ay agad na silang naulila sa ama at naabandona pa ng sariling ina. Kung kaya’t may mga netizens na naawa sa sitwasyon ng mga bata kaya nagbigay sila ng mga suhistiyon na bakit hindi na lamang bilhan ng lupa at patayuan ng bahay ang magkakapatid. Sa awa ng Diyos ay sa isang serye ng programa ni Idol Raffy, nakapanayam niya ang butihing alkalde ng Oroquieta City, Misamis Occidental na si Mayor Lemuel Mayrick Acosta.
Ayon sa napag-usapan nina Idol Raffy at Mayor Lemuel, napagkasunduan nila na si Alkalde na ang mag-aasikaso sa lupang pagtatayuan ng bahay para sa naulilang magkakapatid. Ang gagastusin naman para sa maipatayo ang bahay ay sagot na ni Idol Raffy. Dahil sa nakakaawa at nakakalungkot ang naging karanasan ngayon ng 8 magkakapatid na ito, higit silang nangangailangan ng tulong.
Nasa pangangalaga naman ng DSWD ang magkakapatid at kay Mercilita Babao Itom na siyang nagpost sa social media ng nag-viral na larawan, na siyang naging daan upang mapansin ang kalagayan ng magkakapatid ay maraming nagpasalamat. Sa pagkakaroon ng magkakapatid ng sarili nilang bahay, ang mga nakakatandang mga kapatid ang mag-aalaga sa kanilang mga nakakabatang mga kapatid, basta’t ang mahalaga mayroon silang sariling tahanan na kanilang matatakbuhan.
Nag-iwan naman ng mensahe si Idol Raffy sa ina ng magkakapatid na nang-iwan sa mga ito. Huwag na huwag na raw niyang balikan ang mga anak kung sakaling maipatayo na ang bahay para sa kanila at maging maayos na ang buhay ng mga ito.
Sa kabila ng kanilang nakakalungkot na sitwasyon may mabubuting tao pa rin ang kanilang nagiging gabay upang sila ay matulungan. Nawa’y maging maayos ang buhay ng magkakapatid na ito hanggang sa pagdaan pa ng maraming mga taon.
The post Walong Magkakapatid Na Naulila ng Ama at Inabandona ng Sarili Nilang Ina, Hinandugan ni Raffy Tulfo ng Bahay at Lupa appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments