Minsan, ang mga tao ay naiinis kapag ang salesperson ay patuloy na sumusunod sa likod at nagbabantay na para bang sinusubaybayan ang balak ng customers tungkol sa produkto. Gayunpaman, ang hindi naman pagpansin ng salesperson dahil sa iyong ” hitsura na walang pera” ay mas nakakadismaya.
Ito ang nangyari sa isang matandang lalaking nakasuot ng hindi maayos na damit at nakasuot lang ng tsinelas. Walang sinuman sa mga nagtitinda ang tumulong sa kanya habang siya ay tumitingin sa mga motorsiklo sa isang tindahan sa Thailand.
Marahil, hindi nila binigyang pansin ang lalaking iniisip na wala siyang balak bumili ng produkto o kahit na gugustuhin niya o wala siyang pera, upang mabili ito.
Dahil napag-alaman na walang kahit sino ang nag assist sakaniya, sa halip ay tumawag siya at nakipag usap sa may-ari, Buti na lang at ang usapan nila na medyo nagtagal.
Hindi mapigilan ng salespeople na tumingin sa tila isang hindi pangkaraniwang senaryo.
Hindi kapani-paniwala ang nangyari pagkatapos ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa.
Ang taong hindi presentable ang damit ay isa palang serious potential buyer na nagbigay ng 600, 000 baht na katumbas ng humigit-kumulang na $ 17, 361 o P834,307.85, pagkatapos makipag deal sa may-ari.
Sino ang mag aakala na ang isang mukhang mahirap na matandang lalaki ay may dalang limpak limpak na salapi upang bumili ng isang Luxurious Bike?
Ang ilan ay kumuha ng larawan sa kanya at inia-upload ng mga ito sa mga Facebook page habang ang tindahan ay naggawa din ng kwento sa kanilang Facebook page nito Gayunman, tinanggal ng tindahan ang orihinal na post dahil sa nakaliligaw na mga komento.
Iniulat ni Sanook na ang kapatid na lalaki ng lalaki na kinilalang si Dung Decha ay nagsabi na ang kanyang kapatid ay hindi talagang mayaman.
Ito ay lumabas na ang lalaki ay nagretiro na mula sa pagtatrabaho bilang isang mekaniko at nangyari na makaipon ng gayong halaga ng cash sa mga nakaraang taon. Dahil hindi siya nasisiyahan sa anumang mga bisyo, nakaipon siya ng sapat na pera upang mabili ang kanyang pangarap na bike.
0 Comments