Looking For Anything Specific?

Magkapatid, Iniwan at Hindi Binalikan ng Kanilang Ina Matapos Magpaalam na Bibili ng Payong

Isang paraan ng mga magulang ang isama sa lakad o pupuntahan ang mga anak kung walang mag-aalaga sa kanila kapag umalis sila. Sa kasamaang palad, may mga pagkakataong nawawala sa isip ng magulang na kasama nila ang anak pansamantala na pwedeng magresulta sa pagkaligaw o pagkawala ng anak.

Sa isang Facebook post ni Myleen Delos Reyes De Villar, ibinahagi niya ang dalawang bata na nasa labas ng isang sikat na fast food chain Mang Inasal. Nangyari ito sa tapat ng People’s Park, Valenzuela City. Base sa kanyang post nanawagan siya sa kung sino man ang magulang ng mga bata, balikan sana at iuwi na sila dahil simula alas sais ng umaga daw nang iniwan ng kanilang ina ang mga ito. Ang paalam lang daw ng kanilang ina ay bibili ito ng payong.

Credit: Facebook / Myleen De Villar

Makikita sa larawan ang dalawang bata na nasa murang edad pa lamang. Marami ang nakapansin dito at naalarma ng makitang umiiyak ang bata. Ayon sa nakakatandang kapatid, iniwan daw sila ng ina bandang alas sais ng umaga at sinabing huwag aalis at hintayin siyang bumalik. Kaya lang ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin bumabalik ang ina. Dala na rin ng gutom, naiyak ang bata dahil sa takot na hindi sila balikan ng ina. Napag-alaman nila na galing pa sa Tondo ang magkapatid kaya hindi daw alam ng bata kung paano umuwi sa kanila.

Magkapatid, Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Matapos Lang 'Bumili Ng Payong'
Credit: Facebook / Myleen De Villar

Kaya naglakas loob si Myleen na manawagan sa Facebook. Aniya, “Kung sino man po ang magulang ng mga batang ito pakibalikan naman sila. Kawawa yung bata kanina pa daw 6 am naghihintay dyan. Nagpaalam lang daw ang nanay nila na bibili ng payong pero hindi na bumalik. Taga-Tondo daw po sila. Gusto na nilang umuwi pero hindi nila alam paano.”

One Valenzuela: Finally back! Mang Inasal at Malinta, Valenzuela City
Credit: One Valenzuela

Nag-trending ang nasabing post at maraming netizens ang nagpakita ng pagkadismaya. Marami ang nangamusta kung nakauwi na ba ang mga bata, mayroong din nag-alok ng tulong kung saan nag-offer sila na papakainin niya ang mga ito at siya na lang daw ang mag-aalaga. Meron ding nagsabi na sana maaksyunan ito ng DSWD at malaman kung saan ito naninirahan. Karamihan naman sa mga ito ang hinihiling na sana nasa mabuting kalagayan na ang mga bata at para sa kanila maiging maibigay muna sila sa DSWD para sa tamang proseso at aksyon sa nangyari.

Mga Batang Umiiyak Sa Tapat Ng Mang Inasal, Hindi Na Binalikan Ng Kanilang Ina! – Juan Tambayan
Credit: Facebook / Myleen De Villar

Samantala, mayroong din nag-iwan ng komento ang posibilidad na may nangyaring hindi maganda sa ina kaya hindi na sila nabalikan. Matapos magtrending ang post, wala pang update kung ano na nga ba ang nangyari sa mga bata. Naganap ito noong January 2020.

Credit: Facebook / Myleen De Villar

Hindi malinaw kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ito nangyari at ano na ang status ng mga bata sa kasalukuyan pero dahil sa mga concerned netizens ay malaki ang posibilidad na nasa mabuting kamay na sila ngayon.

The post Magkapatid, Iniwan at Hindi Binalikan ng Kanilang Ina Matapos Magpaalam na Bibili ng Payong appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments