Proud husband ang awrahan ng action star na si Robin Padilla sa kanyang asawang si Mariel Padilla.
Simula noong nagka pandemy4, isa rin sa mga naapektuhan na mga artista ang pamilya ni robin at Mariel pag dating sa pinansyal. Naging bukas and action star dito sa kanyang mga naunang social media posts.
Kaya naman, ang asawang si Mariel Padilla ay nag desisyong magbukas ng negosyo para sa pangdagdag kita nilang mag-asawa.
Bukod sa pagiging aktres at hosting niya sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime, hands on din si Mariel sa kanyang negosyo na Cooking Ina.
Ang asawa niyang si Robin, ganoon na lamang ka-proud at supportive sa kanya. Sa naging Facebook post ng action star noong January 19, 2021, makikita ang maiksing video ng It’s Showtime host.
Sa nasabing video, makikitang tumayo sa pagkakahiga si Robin at tsaka itinutok ang camera sa asawang nasa labas. Makikitang may buhat na malalaking styrofoam storage si Mariel mula sa parking area papasok ng bahay.
Natatawang sabi ni Robin, “Babe? Kargador ka na pala ngayon?”
Aniya sa caption, “Cooking Inang yan. Sya na rin ang kargador habang nasa bakasyon ang mga angels ng cooking Ina food market.”
The post Robin Padilla, sobrang bilib sa asawang si Mariel Padilla dahil sa walang arte nitong inaasikaso ang kanyang negosyo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments