Sino nga naman bang magulang ang may gustong nilalait o inaalipusta ang kanilang mga anak? Ngunit sa kabila ng lahat ng masasakit na salita na binibitawan ng ibang tao, tungkulin pa din ng isang tunay na edukadong tao ay ang marunong umintindi sa kapwa lalo na kung alam naman nilang wala itong magandang patutunguhan.
Madami ang natuwa sa naging kasagutan ni Paul Jake matapos laitin ng basher ang kanilang anak ni Kaye Abad. Sinabihan kasi ng isang netizen na mukha daw trolls ang kanilang anak. Imbis na bumuwelta ang mag- asawa, tinanggap na lamang nila ang nakakabastøs na opinion nito.
Simple lamang ang naging kasagutan ni Jake “hahaha. Well that’s your own opinion. Hahaha. Kita kits.”
Sa kabilang banda, kalmado mang sumagot si Jake ngunit naroon ang kanilang mga followers upang sila ay maipagtanggol at suportahan. Ayon sa kanila hindi naman sa hitsura o pisikal na kaanyuan binabase ang pagkatao kung hindi sa kung paano ito napalaki ng maayos.
Sa katunayan, tila mas pangit pa daw ang mga taong mapanghusga dahil sa gaspang ng mga pag uugali nito. “Insensitive” nga daw umano ang basher dahil hindi na inisip ang magiging epekto ng mga sinasabi nito.
Humanga ang mga netizens pagkat patuloy pa ding ipinagmamalaki nila Jake at Kaye ang kanilang anak kahit pa madami ang lumalait dito.
Kahit sino naman basta kapag anak ang usapan andyan ang mga magulang upang ipagtanggol ang mga anak lalo na sa mga taong mapangmata at may masabi lang.
Kaya sa mga basher dyan mas intindihin nyo na lamang ang sarili nyong buhay kaysa punahin ang buhay ng iba.
0 Comments