Looking For Anything Specific?

Seller ng money cake, nagulat sa customer na bakit hindi daw kasama ang P10k sa loob ng cake sa halagang P1,500!


Isa sa sikat na handa ngayon o kaya naman ay regalo tuwing may kaarawan ay ang money cake. Ang cake ay isa sa mga bida o importante tuwing may kaarawan na tila hindi kumpleto ang pagdiwang nito kung walang hinipan na kandila at dito nagwi-wish ang celebrator.

Kaya naman dahil sa mga pakulong naiisip ng mga pinoy ay naging dagdag kasayahan ang sorpresang hatid ng money cake kung kaya’t marami na ang gumagawa nito ngayon.

Subalit, syempre medyo may kamahalan ito depende kung magkanong pera ba ang gusto mong ilagay sa cake na iyong ibinigay.

Samantala, kamakailan ay nag viral ang isang karanasan ng netizen na gustong umorder ng money cake, tila nadismaya daw siya sa kanyang naka transaksyon na gagawa ng cake mula sa online bakeshop.

Ayon sa naturang screenshot ng usapan ng seller at customer , nagulat daw ang customer niya ng malaman niyang hindi pala sagot ng seller ang pera na ilalagay sa loob ng cake! Syempre naman po sagot yan ng customer.

Sa simula raw ay aakalain mong nagbibiro lamang ang customer, ngunit mukhang seryoso ito sa kanyang tanong. Hindi mapigilang madismaya nito matapos siyang sagutin ng baker.

Ayon naman sa baker at seller, ang halaga raw ng cake ay P1,500. Nakadepende naman daw sa customer kung magkano ang gusto nitong ilagay na pera sa loob ng cake. Mukhang hindi ito nagustuhan ng demanding na customer na agad sumagot ng :

“Ay, hindi po pala kasama yung money sa loob ng cake sa inorder kong 1,500 na cake?, passed po next time na lang”.

Agad naman nagviral ang post at usapan ng seller at customer na ito na umani agad ng mga komento mula sa mga netizen, ang halos lahat ay natawa at sinabihan na demanding masyado ang customer at abusado.

Source: Rachfeed

Post a Comment

0 Comments