Looking For Anything Specific?

Isang Principal na suma-sideline sa pagiging food rider para makapagpatayo ng Multi-Purpose Hall sa school, dinagsa ng tulong


Ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak ay hindi matutumbasan lahat ay gagawin nila kahit pa buhay nila ang kapalit para sa kanilang anak handang magtrabaho kahit buong magdamag ganyan ang isang magulang.

Ngunit kailan lang ay usap-usapan ang isang lalaki dahil sa ipinamalas nitong kabutihan sa mga mag-aaral sa kanyang eskwelahang pinapasukan kahit pa hindi niya ito mga kadugo.

Siya si Haji 53 taong gulang, siya at nagtatrabaho sa isang paaralan hindi bilang isang guro o guidance councilor kundi bilang pinakamataas na otoridad sa eskwelehan siya ay isang Principal.

Maramig mga netizen ang humanga kay Sir. Haji dahil sa dedikasyon sa kanyang tungkulin, dulot ng kawalan ng klase sa mga eskwelahan dahil sa pandemiya na kinahaharap natin, mas pinili ng nasabing principal na maisaayos ang kanilang paaralan habang wala pang pasok ang mga mag-aaral.

Kaya naman dahil sa kakulangan sa pondo ng eskwelahan para maipagawa ito naisipan ng Principal na gumawa ng paraan para makatulong na makaipon ng pera para maipagawa ang kanilang Multi-purpose Hall para sa mga estudyante.

Hindi nagdalawang isip na tumulong si Sir Haji Aedil Mat para maipagawa at maipatayo ang kanilang proyektong Multi-purpose Hall kaya naman kahit labas sa kanyang trabaho ay pinasok nito ang pagiging GrabFood rider at ang perang kikitain niya ay mapupunta sa pondo ng kanilang eskwelahan.

Dahil sa pag viral ng kanyang mga larawan na nakasoot ng uniform ng GrabFood maraming may mabubuting puso na tumulong sa kanilang Paaralan at ngayon ay umaabot na ang kanilang nalikom ng 167,000 Malaysian Ringgit o halos 2milyong piso dito sa atin (P1,957,213.97).

Ayon pa sa Principal noong nakaraan taon pa dapat napagawa ito ngunit natigil lamang dahil sa kakulangan sa pondo at sumabay pa ngayon ang kinahaharap nating krisîs.

Hinangaan naman ng marami ang naturang Principal dahil sa ipinamalas nitong kabutihan at pagkakawang gawa para matulungan ang mga estudyante ng Sekolah Agama Menengah.

“I meant to do this as a gimmick, to get school staff to donate, even if it was just RM5. And then, when a photo of me on the job went around, many people started asking me how they could contribute,” aniya.

Post a Comment

0 Comments