Looking For Anything Specific?

Batang lalaki, mag-isa na nagtitinda ng balut para sa gam0t at 0perasy0n ng kanyang Nanay


Tunay na napakasarap maging bata o bumalik sa pagkabata yung wala kang iniisip na problema puro laro at tawa lamang ang ating ginagawa tanging tulog, kain at eskwela lamang ang ating pinagkakaabalahan noong bata.

Kaya nga ang pabiro sinasabi ng marami ay ang sarap bumalik sa pagiging bata walang problema walang responsibilidad.

Ngunit hindi naman lahat ng kabataan ay ganyan ang nararanasan, mayroong sa musmos na edad nila ay pasan na nila ang responsibilidad na itaguyod ang buong pamilya.

Katulad na lang ng isang bata na ito na nagngangalang Samuel E. Miguel. Siya ay isang 10 taong gulang subalit napilitan ng magtrabaho upang makaipon na pang bili ng gam0t at 0pérasyon ng kanyang Ina na str0ke.

Ayon sa concerned citizen na si Jane Ashley Jimenez na nagbahagi ng kwento ng naturang bata. Sadya raw na tumutulong ang batang si Samuel sa kanyang nanay na magbenta ng balut sa kanilang lugar. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nabagok ang nanay nito sanhi ng pag ka stroke.

Dahil sa nangyari sa ina ay kinailangan ng magtrabaho mag-isa ng sampung taon na si Samuel. Ito raw diumano ay para maipagamot niya at ma0perahan ang mahal na ina.

Samantala nanawagan naman ang netizen na sana raw ay matulungan ang bata at ang Ina nito, At kung sino man ang may mabuting pus0 na nais magpaabot ng tuloy ay ipagbigay alam lamang sa kanya.

Narito ang kanyang panawagan:

Baka po may gustong tumulong sa kanya nagtitinda siya ng balot araw araw siya dadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nabagok mama niya and na half stroke yung mama niya.

Samuel E. Miguel, 10 years old palang siya nagtitinda siya para daw may pang opera yung mama niya Sa mga gusto pong tumulong paki pm nalang po ako maraming salamat”, panawagan ni Jimenez.

Ang post na ito ni Ashley Jimenez ay nag viral na sa social media platform na Facebook. Base sa mga komento ay marami ng netizen na nais magpaabot ng kanilang tulong para sa mag-ina.

Post a Comment

0 Comments