Looking For Anything Specific?

Fishball vendor, nakapagpatayo at nakapagpundar ng 2-storey house mula sa kanyang kinita sa pagtitinda


Ang pagpapatayo ng bahay o ating mga pangarap na bahay ay hindi basta-basta dahil malaki ang kinakailangang pera na gagastusin dito.

Kaya naman iniisip ng marami na ang mga mayayaman lamang ang may kakayahang magtayo ng dream house at magarang bahay.

Subalit kung ang isang tao nga ay nagsusumikap at determinado na magkaroon nito ay tiyak na makamit nito ang pangarap na magkaroon ng ganitong uri at klase ng bahay.

Katulad na lang ng isang fishball vendor na tampok sa ating kwento ngayon, siya ang nagpatunay na hindi basehan ang pagkakaroon ng white-collar jobs para maisakatuparan ang kanyang dream house.

Siya si Michael Gripal Relucio, isang Fishball vendor ang kanyang pagpupursige sa kanyang pangarap ay umani ng papuri at paghanga sa mga netizen sa social media ito ay matapos niyang ibahagi sa Facebook ang larawan ng kanyang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap.

Sa post na ibinahagi ni Michael, ipinaliwanag niya dito na nagawa niyang magpatayo ng pinapangarap na bahay sa pagtitinda ng fishball para lamang sa kanyang pamilya.

Ayon pa kay Kuya Michael gamit ang perang kanyang kinikita sa pagtitinda ng fishball nagawa niyang makaipon para matupad ang pangarap na ito sa pamilya.

Sa ngayon raw ay hindi pa tapos ang bahay ni Kuya Michael ngunit masisilayan na ang kabuuang structure nito na malapit nang matapos. Ilang detalye na lang din ang kailangan ayusin ay makikita na tapos na ito at hindi naman maikakaila na may maganda itong disenyo.

Makikita naman na ang bahay na naipundar ni Kuya Michael dahil sa kanyang sipag at tiyaga ay isang 2-storey house na moderno ang disenyo. Ito ay gawa sa mga concrete na may pinaganda ng pinaghalong steel at glass.

Mapapansin din dito na pulido na ang pader at pintura na lamang ang kulang dito. Kahit nga wala pang pintura ang kabuuan ay kitang-kita na ang maganda nitong disenyo.

Kasama na ibinahagi ni Kuya Michael sa social media ang ilang bahagi ng loob ng bahay makikita rito na may tiles na at maganda na ito tignan. Sa mga ilaw naman nito ay contemporary design ang napili ni Kuya Michael at sa taas nito ay makikita na mayroon itong balcony maliit subalit kasya naman rito ang upuan.

Kahit pa maliit ang espasyo sa loob ng bahay ay sapat naman ito para malagyan ng mga kagamitan, makikita rin ang isang divider na nakapagitan sa living room at dining area na tila inilaan para maging bar.

Tunay na napakaganda ng disenyo ng bahay ni Kuya Michael, patunay lamang ito na bunga ng kanyang sipag at tiyaga sa paghahanapbuhay at pagtitinda ng fishball.

Kaya naman kapag nagsumikap ka sa buhay ay walang imposible, lahat ay maaaring mapagtagumpayan at makamit na pangarap.

Post a Comment

0 Comments