Looking For Anything Specific?

Bilyonaryong si Atong Ang, tinatayang 3 Billion daw ang kinikita kada buwan sa kanyang negosyo na E-Sab0ng


Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya marami ang nagsisilabasan na mga internet application na ginagamit ng marami. Marami rin ngayon ang kumikita sa online bilang Online Seller at Work at Home. Ngunit marami rin ang nawiwili sa ibang apps tulad ng 0nline sab0ng o e-sab0ng.

Ayon sa owner ng E-sab0ng na isang Bilyonaryo na si Atong Ang kumikita raw siya rito ng bilyon-bilyon kada-buwan.

Kilala si Atong Ang sa pagiging businessman at gaming tycoon, mas nakilala sa mundo si Atong Ang nang ilunsad niya ang sab0ng dahil dito kumikita siya ng bilyon-bilyon.

Sa kanyang inilabas na pahayag, Ang kumpanya raw na Lucky 8-Pitm@sters ay kumikita ng humigit kumulang 3 Billion Pesos kada buwan. Ito ay 5% lamang galing sa kabuuang 60 Billion sa buong operasyon ng E-sab0ng.

Sinabi rin niya na umabot daw ng 1 Bilyon hanggang 2 Bilyon ang pumapasok na pera sa E-sab0ng at pustahan kada araw, ang kita raw niya na 3 Bilyon na komisyon ay inilalaan niya ang 2.5% sa mga agents at ang 1% naman ay para sa mga operation costs.

Lahat ng detalye tungkol sa e-sab0ng ay kanyang inilahad ng siya ay maimbitahan sa isang senate inquiry. Naimbitahan siya dito matapos mabalita ang pagkawala ng 34 mga sabunger0 na ngayon ay natagpuan umanong mga pat@y na.

Pahayag naman ni Andrea Domingo, chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGC0R) umaabot na ng halos 640 Million kada buwan ang kita ng e-sab0ng mula January 2022.

Samantala, mayroon naman daw nakukuhang porsyento ang gobyerno mula sa e-sab0ng operations subalit ayon kay Senator Franklin Drilon mas maliit daw ang nakukuha ng gobyerno kumpara sa kita ni Ang.

Post a Comment

0 Comments