Hindi nagiging madali para sa ating mga kababayan ang lumipad patungo sa ibang bansa upang magtrabaho at kumita ng pera. Samantala, madaming naaabusong mga Pilipino dahil sa ibang lahi na hindi makasundo.
Mayroon din tayong mga kababayan na nakakatagpo na mahigpit ang kanilang amo at may iilan din naman na sobrang bait ng kanilang amo kung saan madalas ay nabibigyan sila ng biyaya na hindi nila inaasahan.
Ngunit iba ang naranasan ng OFW Nurse na si Gicela Hadassah Oloroso na mahigit dalawang dekada nang nag-aalaga sa isang mayamang pasyente na si Huguette Clark. Kapalit ng kaniyang pag- aaruga ay pinamanahan niya ito ng $60 million o mahigit kumulang 2 bilyong piso.
Hindi kapani-paniwala diba? Pero ito ay totoong nangyari at hindi inaasahan ni Gicela ang ganitong biyaya na kanyang matatanggap dahil sa kanyang kabutihan loob, kasipagan at higit sa lahat ay ang pagmamahal nya sa kanyang amo.
Si Huguette Clark ay wala nang ibang pamilya at kaibigan na mapupuntahan upang siya ay maalagaan kaya naman umasa na lamang siya sa pangangalaga ng mga nurse at iba pang katulong upang siya ay maasikaso at isa na nga diyan si Gicela Hadassah Oloroso.
Halos inilaan na ni Gicela ang mahigit dalawang dekada ng kaniyang buhay upang alagaan si Huguette. Kahit pa noong isinilang niya ang kaniyang mga anak ay bumabalik pa din siya sa pag aalaga niya kay Huguette.
Itinuring nang parang tunay na anak ni Huguette si Gicela. Sa katunayan, sa tuwing magkakaroon ng problema sa pera ang nurse ay agad siyang nag aabot ng tulong at pinag-aaral din ang tatlong anak nito.
Edad 104 nang bawian na ng buhay si Huguette. Bilang pasasalamat sa pag- aalaga, pag aaruga at pagmamahal ni Gicela, pinamanahan niya ito ng $60 million.
0 Comments