Looking For Anything Specific?

Isang Ina na Balut Vendor, hindi tinaggap ang House and Lot na ibinibigay ng kanyang Anak


May mga tao na nagtatrabaho na magagara at mamahalin ang damit o gamit yung mga tipong empleyado sa malalaking kumpanya subalit pagdating sa kanilang bahay ay simpleng tao lamang.

Kabaliktaran naman niyan ang kalagayan ng isang Senior Citizen na isang balut vendor na si Nanay Amelia Madriaga 62 taong gulang at nakatira sa Urdaneta, Pangasinan.

Madalas nakikita si Nanay Amelia sa kalsada dahil ito ang kanyang munting opisina dahil dito siya nagtatrabaho bilang isang vendor, kung titignan si nanay ay simple lamang hindi magara ang suot habang naghahanapbuhay subalit ang maaari palang uwian ni Nanay Madriaga ay dalawang palapag na modern-style house!

Nakuha ang atensyon ng mga netizen sa kwento ni Nanay Amelia Madriaga, mayroon ng limang dekada siyang nagtitinda ng balut sa kalsada. Matapos siyang bigyan ng kanyang anak ng bagong bahay at lupa upang masuklian ang lahat ng sakripisyo nito at tuparin ang munting pangarap ng kanyang Ina.

Subalit ang ikinagulat ng lahat ay ayaw tumira ni Nanay Amelia sa 2-storey house :

“Maganda ang bahay pero parang ayaw ko talaga doon,” pahayag ni Nanay Amelia.

Si Nanay Amelia ay katrose (14) anyos pa lamang ng siya ay magtinda ng balut sa palengke. Bahagyang natigil lamang ito noong nakapag-abroad ang asawa nyiang si Tatay Roberto, dahil siya ang naiwan upang mag-alaga sa kanilang dalawang anak.

Sa pagdaan daw ng panahon ay nakapag-asawa ang mga anak ni Nanay Amelia subalit sa kasamaang palad nitong 2016 ay pumªnªw ang kanyang mister.

Dahil gusto ni Nanay Amelia na magkaroon ng sariling kita nagpatuloy siyang maglako ng balut umaraw man o umulan.

“Mahirap pero okay lang sakin basta gusto ko kumita kahit konti lang. Nakakatubo din ako ng P300 kada-araw,” ayon sa kanya.

Inamin ng isa sa kanyang mga anak na minsan na niyang ikinahiya ang pagtitinda ng balut ng kanyang ina noong siya’t bata pa at ito’y kanyang lubos na pinagsisihan. Kaya nagpursigi siya na suklian ang lahat ng pagsasakripisyo ng kanyang ina.

Makalipas ang ilang taon na pag-iipon at pagne-negosyo ng anak ni Nanay Amelia na si Ruby, ang pinapangarap ni Nanay Amelia na bungalow house ay hinigitan pa ni Ruby para sa kanyang Nanay.

Subalit nang ayain na ni Ruby si Nanay Amelia na lumipat ng bahay ay narito ang naging sagot ni Nanay Amelia:

“Maganda ‘yung bahay nila, may aircon. Kaya lang, mas gusto ko pa din dito (sa lumang bahay). Andito ‘yung ala-ala ng asawa ko. Kasi ang sabi ng asawa ko noong nabubuhay pa, ‘wag niyong ibebenta itong bahay na ito,’ parang gusto ko na dito dahil ito ang napundar ng asawa ko.”

Maraming beses na raw kinumbinsi ni Ruby ang kanyang Nanay subalit ayaw parin nito pumayag, mas gusto raw kasi ng kanyang Nanay na manatili sa kanilang lumang bahay dahil andito raw ang ala-ala ng asawa ni Nanay Amelia.

Post a Comment

0 Comments