Para sa mga Magulang siguro ay habang binabasa niyo ang artikulo na ito ay katabi mo ang iyong anak o kaya naman ay kasama mo.
Nangyayari ba sa iyo ang ganitong senaryo na kung minsan ay busy ang iyong alagang bata sa paglalaro at ikaw naman ay abala sa kaka-swipe ng iyong cellphone? Malamang ay hindi mo napapansin na nakakasama pala ito sayo at pati na rin sa iyong anak.
Ganyan ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa ng mga eksperto sa Boston Medical Center sa 55 na magulang at caregivers na gumagamit ng cellphone sa harap ng isang bata.
Ayon sa pag-aaral, ito raw ang pagkakataon na mas nagkakaroon ng negative interaction ang isang bata at isang adult na magkasama.
Isa nga raw sa mga negative interactions na record ng ginawang pag-aaral ay ang pangungulit ng bata, tulad ng pagsuot sa ilalim ng mesa upang mapansin lang ng kasamang adult na gumagamit ng cellphone sa harap nito.
Ano nga kaya ang epekto nito? Malamang ang adult ay umiinit ang ulo at nagagalit.
Samantala, para naman sa isang licensed clinical psychologist na si Liz Matheis na mula sa New Jersey.
Bukod raw sa negative interactions, ang paggamit raw ng cellphone ng isang magulang sa harap ng anak nito ay nagdudulot ng epekto sa paglaki ng bata. Kung kaya ipinayo niya na kung maaari ay dapat ilayo ang cellphone o huwag na munang gumamit nito kapag kasama ang inyong mga anak.
Narito naman ang mga rason kung bakit hindi dapat gumamit ng cellphone sa harap ng bata.
1. Nawawalan ng Quality time ang magulang o (Adult) sa bata :
– Kahit na ikaw ay katabi o nakaupo malapit sa iyong baby kung ikaw naman ay gumagamit ng cellphone hindi niya parin nararamdaman ang presence mo. Dahil nauubos ang iyong oras at atensyon sa paggamit ng cellphone.
Ang epekto nito ay nawawalan ka ng oras na maka-bonding ang iyong anak na mahalaga para sa development nito.
2. Hindi mo naiintindihan o nakukuha ang gustong ipahiwatig o sabihin sayo.
– Dahil sa abala ka sa paggamit ng cellphone sa harap ng iyong alaga o baby, hindi mo naiintindihan ang non-verbal clues ng iyong baby. Mahalaga ito sapagkat ito ang kanyang paraan upang ipakita sayo kung ano ang gusto nitong sabihin at nararamdaman nito.
3. Tinuturuan mo maging obsess o ma-adik sa paggamit ng cellphone ang iyong alaga o baby.
– Wala ka mang intensyon na turuan at sanayin na gumamit ng cellphone ang iyong baby subalit dahil sa paggamit mo sa harap nito ay malaki ang tsansa na ito ay ma-adopt niya. Dahil lagi mong tatandaan ang nakikita ng bata sa matanda ay siyang ginagaya nito.
Kaya kung nakikita niyang lagi kang nakaharap sa cellphone ay ito rin ang iisipin niyang tama at tutularan.
At para makaiwas na ito ay mangyari sa iyong anak at magkaroon ka ng quality time sa pamilya narito ang mga payo ni Matheis para mabawasan ang paggamit mo ng cellphone :
– Pagbubura ng mga apps sa iyong cellphone na umuubos ng oras mo.
– Paglalagay ng timer o alarm bilang tanda na kailangan mo ng itigil ang paggamit ng iyong cellphone.
Kaya naman laging mong iisipin na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa anumang bagay, kaya imbis na ubusin mo ang oras mo sa walang kwentang bagay ay mas piliin na makasama ang mahal natin sa buhay.
0 Comments