Hinahangaan ngayon sa social media ang ginawang kabutihan ng isang samaritano na Ilonggo sa mag-asawang basurero na dalawang araw na daw hindi kumakain. Dinala ng naturang good samaritan ang mag-asawang basurero sa sikat na fast food chain upang pakainin.
Kwento ng samaritano na nakilalang si Royce Albert Villaruel Grey, nadaanan niya raw ang mag-asawa sa Barangay San Rafael, Mandurriao, Iloilo City nitong Miyerkules at nang papalapit na sa mag-asawa ay narinig niya ang babae at sinasabing dalawang araw na silang hindi kumakain.
Nang marinig raw ito ni Royce Albert ay naawa agad siya kaya agad niyang niyaya ang mag-asawa para kumain.
Pahayag pa ni Royce Albert, huling pera na daw niya yon sa kanyang bulsa pero hindi aniya ito mapapalitan ng kaligayahang naramdaman ng siya ay nakatulong sa kapwa.
Dahil sa ginawa na ito ni Royce Albert ay maraming netizen ang humanga sa kanya at ang iba ay hindi napigilan magbigay ng positibong komento:
“Nami gid batasan sang mga Ilonggo. Tani muni pamarisan ng mga pulitiko, bisan waay kwarta ang himuon gid makabulig sa tawo. respect.” – Anna Mayor
“Matthew 6:3 But when you do a charitable deed, do not let your left hand know what your right hand is doing, 4 that your charitable deed may be in secret; and your Father who sees in secret will Himself reward you openly.” -Nestor yao
“Saludo sayo Kuya Royce Albert, sana maraming katulad mo pa para matulungan ang maraming tao na hindi nakakain. Lalo na sa mga pulitiko sana mag bukas daan ito para matulungan ninyo ang mga kapos palad.” – Ryan Naguire.
0 Comments