Hindi madaling kumita ng pera dahil lahat ng trabaho ay kailangan paghirapan, Sa pagtatrabaho ay hindi mawawala diyan ang halos araw-araw na pagod at pagpupuyat pero lahat ng yan ay tinitiis para sa pamilya.
Marami nga sa atin ang walang ibang choice kung hindi malayo sa pamilya dahil sa kanilang mga trabaho tulad ng mga OFW o kaya naman ay mga Seaman isinasantabi nila ang sobrang lungkot at pangungulila para lamang sa kanilang pamilya.
Samantala, madalas rin napagkakamalang masarap ang pamumuhay at akala ng iba ay pinupulot lang ang mga perang kinikita. Hindi alam na gabutil na mga pawis sa pagod at mapantayang kalungkutan ang tinitiis para makapag ipon at maipapadala sa naiwang pamilya.
Kaya naman may isang Pinoy na nagtatrabaho sa isang barko bilang Seaman ang naglabas ng isang nakakamulat at nakakalungkot na katotohanang nararanasan ng mga Pinoy Seaman.
“Nakikita lang ng iba yung iniisip nilang kinikita namin, wala naman sila idea sa mga utang at pinagiipunan namin o sa mga pangarap na binubuo namin,”
Kung minsan kasi may pagkakataon din na sila pa ang nagiging masama sa mata ng iilan kaibigan, kapitbahay at kahit maging sa mga kadugo na tila umaasang dapat meron din para sa kanila.
“Kung ibibili ko ng pasalubong lahat ng malapit sa akin ay walang matitira sa ipon ko, dahil unang una mahal ang bilihin sa ibang bansa hindi gaya ng iniisip ng iba na barya lang sa amin ang mga yun,”
“Madalas pinagiisipan ako na nakalimot na at hindi na maabot. Tutuusin kaming mga OFW ang mas nangangailangan ng mga taong nakakaalala sa amin lalo nat wala kaming maasahan sa oras ng kalungkutan at karamdaman,”
NARITO NAMAN ANG KABUUANG POST NG ATING KABABAYAN :
Ordinaryong Seaman.
Seaman po ako, pero hindi po ako yung seaman na kumikita ng 150k o higit pa sa isang buwan, ang hirap mag ipon kung alam nyo lang. Hindi rin po ako yumabang dahil sa seaman po ako, wala po akong maipagyayabang. Yung karanasan ko po bilang seaman ay sa akin na po lamang upang walang magtanim ng inggit sa akin at pag isipang ako ay mayabang.
Mas gusto ko pang makinig ng kwento ng mga nangyayari sa Pinas, para hindi ako huli sa mga balita at kasaysayan.
Kung ibibili ko ng pasalubong lahat ng malapit sa akin ay walang matitira sa ipon ko, dahil unang una mahal ang bilihin sa ibang bansa hindi gaya ng iniisip ng iba na barya lang sa amin ang mga yun. Pangalawa bawat bigat ng bagahe na sobra ay may dagdag bayad sa eroplano at mas mahal yong singil sa bigat kesa dun sa gamit na nagpapabigat. Pangatlo kelangan ko mag ipon para hindi na tumagal sa pagbabarko.
Nakikita lang ng iba yung iniisip nilang kinikita namin, wala naman sila idea sa mga utang at pinagiipunan namin o sa mga pangarap na binubuo namin. Kung nakaporma man kami ay regalo na namin yun sa aming sarili, kung may nabibili man kami natural lang siguro yun kahit sino namang ordinaryong tao kung may pambili ay bibili.
Madalas pinagiisipan ako na nakalimot na at hindi na maabot. HINDI PO AKO YUMABANG DALA NG HINDO PO AKO NAGPAPARAMDAM SA MGA CHAT, KUNG SUSURIIN KO NGA PO YUNG MESSENGER KO HALOS LAHAT NG KAKILALA KO AY HINDI MAGCHACHAT KUNG HINDI KO SILA ICHACHAT REALTALK.
Tutuusin kaming mga OFW ang mas nangangailangan ng mga taong nakakaalala sa amin lalo nat wala kaming maasahan sa oras ng kalungkutan at karamdaman.
Kung hindi nyo ako makita kapag nakabakasyon ay puntahan nyo ako sa bahay ko, andun lang ako jamming tayo. Hindi ako nagtatago, masarap lang magpahinga at makapiling ang pamilya habang bakasyon.
Nagkataon lang na ugali kasi ng pinoy na magisip ng negatibo gaya ng “Nakuwi na pala si Pedro pero hindi man lang nagpaparamdam” o “Wala na syang kilala, nagbago na sya hindi na nagpapakita” o yung iba naman “Huwag natin puntahan baka isipin nya na humihingi tayo ng pasalubong” mas malala “huwag na tayo punta dun wala din naman tayo pasalubong”. Kaya tuloy imbes magkamustahan tayo eh iniisip nyo eh “lumaki na ulo”.
Pero isa sa pinaka totoo na lingid sa kaalaman ng iba. Sa lahat ng OFW, Seaman ang isa sa pinakamabigat na trabaho. Dose oras hanggang katorse oras o higit pa ang tinatagal ng trabaho ng isang marino sa isang araw wala pong day off at wala pong holiday off.
Yung OFW sa landbase nagagawa pang magsideline para may extrang kita, nagagawang magdouble job para mas may pera, hindi halatang mabigat trabaho nila kasi lagi naman nakaonline peace.
Yung ordinaryong seaman double o tripple job walang extrang bayad. Hindi rin naman puro lungkot, may saya din naman kahit papano. Syempre kahit sino hahanap ng paraan para malagpasan ang lumbay, pero syempre sa tama at desenteng paraan.
Totoo din na malaki sahod naming mga ordinaryong marino kumpara sa managerial position sa pinas. Pero kung kakalkulahin mo yung bigat at oras ng trabaho namin baka sabihin mo mas malaki pa pala minimum wager sa pinas kung parehasan lang ng oras at bigat ng trabaho.
Eh yung pressure wala sila kung meron man nadadaan sa unwind o kibit balikat lang okay na, andyan din ang pamilya na laging maaasahan nila, hindi naman lahat pero ang seaman kung napagdiskitahan ka ng boss hardtime ka buong kontrata, yung pawis nga ng nagygym baka warm up lang ng ibang marino yan, peace.
Wala din sa piling ng pamilya pero kinakaya, no excuse dahil mas madaming taong nahihirapan at desperado ring tulad namin na gagawin ang lahat para din sa kanilang mga pamilya. Ang punto ko lamang po ay hindi po kami yumayabang o nagbabago. Bato na nga po ang puso namin dahil kelangan namin maging bato ang puso namin para makasurvive at makaipon.
Hindi ko naman nilalahat dahil meron din naman talaga minsang mga marino na hindi na marunong lumingon sa pinanggalingan at yung iba minsan ay napapariwara ang buhay dahil sa kadalasan natutukso sa mga mkamundong bagay gaya ng pakikiapid o pagsusugal.
Pero sa totoo lang madami sa amin ang mabababa lang ang posisyon at sahod at kadalasan bago pa makasampa sa unang kontrata eh baon na sa utang. Tapos ilang kontrata pa aabutin bago namin maramdaman at matamasa yung aming pinagpapaguran.
Oo totoo at madalas kapag bumababa kami malulusog kami at mapuputi tignan kumpara sa mga landbase OFW, libre at eat all you can naman po kasi pagkain sa barko at aircon naman madalas ang mga barko lalo na sa cruise o passenger ship. Syempre pagod at gutom lagi, bawiin nalang din sa kain kahit madalas hindi masarap ang pagkain.
Maswerte nalang din ang iba kung may free onboard internet, kadalasan kasi sa mga shipping company sobrang mahal mag-avial ng internet. Masarap narin kung magkaroon ka ng 6 oras na tulog sa isang araw. At hindi ako mahihiyang inuulit ulit ko madalas yung aking mga uniporme pati medyas hanggat pwede pa naman dala ng mas nanaisin ko magpahinga nalang. Kaya nga minsan kapag nagsalita kami ng katotohanan at nagdrama eh walang naniniwala dahil para bang sa pisikal naming pangangatawan eh hindi makikita yung paghihirap.
Wag nyo po kami tignan sa pisikal. Mas maigi ay kamayan(Handshake) nyo po kami upang maramdaman nyo po yung laging sinasabi ng girlfriend ko na “Parang liha mga kamay mo”.
Isa kami sa pinakabuo ang loob, pero isa kami sa pinakadurog ang kalooban. Tapos sasabihin lang ng iba “yumabang”. Kung tutuusin sila ang yumabang dahil hinahamak nila kami ng hindi nila tinitignan yung aming mga pinagdadaanan at pinaghihirapan. Saludo sa mga matitinong Marino. Respect. Real talk po yan
Words from Binibining Mimi Abogado
Source: Marinero
0 Comments