Usap-usapan sa social media ang isang senior citizen dahil sa kanyang taglay na sipag sapagkat siya nagtatrabaho bilang empleyado ng isang BPO Company at kapag day off niya ay nagtitinda naman siya ng chicharon.
Ang mga larawan na ito ng masipag na Lolo ay ibinahagi ng netizen na si Iya Gonzales ng kanyang makasabay sa tren ang matanda. Ang kwento na ito ni Lolo ay umani ng maraming papuri at paghanga mula sa mga netizen.
Napansin ni Iya si lolo na kinilalang si Manuel Felipe na may dala-dalang malaking plastic bag na naglalaman ng mga chicharon habang nakasuot ang kanyang company ID lace sa loob ng Train.
Agad raw nilapitan ni Iya ang matanda para bumili ng paninda nito, subalit may mga nagmamay-ari na pala ng kanyan mga dala.
Nakipag kwentuhan si Iya kay Lolo ng ilang minuto at dito nalaman niyang nagtitinda ng chicharon si Lolo na nakilalang si Lolo Manuel palagi raw itong ginagawa ni Lolo Manuel tuwing lunes at martes na kanyang araw daw ng pahinga sa trabaho.
“This hardworking man caught my attention as I saw him wearing a BPO company lace while carrying a bag full of chicharons.
When I got the chance to talk to him while were going out of the train, I asked him if he is selling the chicharon kasi gusto ko sana bumili dahil favorite to ni mama, then he explained that meron ng nakareserve bawat chicharon sa mga ka-officemates niya. We talked a bit more as he seems to look at me as I am interested in what his selling.” Pagbabahagi ni Iya.
“He told me that his day off is every Mon and Tues and can arrange a meet-up of order for chicharon every Tuesday night at MRT Taft station.” Dagdag pa ng netizen *
At para daw makatulong kay Lolo Manuel, kinuha daw ni Iya ang numero ng cellphone nito para sa mga nais bumili ng chicharon kay Lolo.
Napahanga naman ang maraming netizen sa sipag ni Lolo Manuel dahil sa kabila ng kanyang edad ay ruma-raket pa ito ng pagtitinda kahit mayroon naman siyang regular na trabaho sa BPO.
Sa kanyang pakikipag usap kay Lolo ay nalaman din ni Iya na si Lolo ay galing pang Pampanga at bumiyahe sa kanyang pahinga para ihatid ang kanyang mga paninda.
“I admire him as he works at a BPO company full time while selling chicharon as his sideline + imagine carrying a bag full of chicharon from Pampanga to Pasay! This kind of man inspires me so much that even though life is so hard, people like him still find a way to survive and live a happy life. Salute to you Sir Manny” ani Iya.
Panawagan naman ni Iya, sana raw ay makatulong kay Lolo Manuel ang post na ito para dumami ang customer nito.
0 Comments