Looking For Anything Specific?

Tricycle driver na kasama ang sangg0l na anak habang pumapasada at naghahanap-buhay umani ng iba’t-ibang komento at reaksyon sa mga netizen


Ang pagiging isang magulang at pagkakaroon ng sariling pamilya ay hindi madali, dahil ito ay may kaakibat na malaking responsibilidad.

Dito masusukat ang iyong tibay sa mga bagay bagay katulad na lang sa pagtatrabaho lahat ay iyong papasukin at tatanggapin kahit mabigat na trabaho para lang sa iyong pamilya.

Katulad na lang ng isang kwento na ito na umantig sa puso ng publiko, ito ay ang kwento ng isang tricycle driver na dala-dala ang kanyang sanggol na anak habang siya ay naghahanap-buhay.

Nakilala ang naturang driver na si Vicente Botante 49 taong gulang, isang araw ay naging pasahero ni Tatay Vicente ang concern citizen na si Mar Errol Buhat Diaconte na siyang nagbahagi ng larawan ng masipag na amang si Tatay Vicente kasama ang anak nito sa social media.

Ayon kay Mar Errol, habang siya daw ay naghihintay ng masasakyan tricycle ay biglang napadaan si Tatay Vicente na nag-alok ng masasakyan sa kanya.

Napansin daw agad ni Mar Errol ang dala-dala nitong bata. Bagama’t nag-aalala siya sa kalagayan ng bata na dapat ang mga ganitong edad ay nasa loob lamang ay hindi rin maiwasan ni Mar Errol na isipin kung bakit kailangan dalhin ni Tatay Vicente ang kanyang anak sa pagtatrabaho.

Ang hindi niya alam ay single dad na pala si Vicente dahil iniwan na sila ng ina ng kanyang anak. 11 buwan gulang na ang anak niyang si Rayve nang abandonahin sila ni Rose na dati niyang asawa at sumama sa ibang lalaki.

Nagulat raw non si Tatay Vicente ng malaman na may asawa na pala itong si Rose at mayroong mga anak. Dahil dito ay hinayaan na lamang niya ito imalis at mula noon ay siya na mismo ang nag-alaga sa kanyang anak.

Lagi na lang daw may dala si Tatay Vicente na biskwit at diaper para kay Rayve sa mismong tricycle nito. Wala daw siyang mapag-iwanan kung kaya naman kailangan niyang dalhin si Rayve saan man siya magpunta kahit pa nga mayroon itong kalakip na panganib.

Dahil sa kwento ni Tatay Vicente maraming netizen ang sumasaludo sa kanya dahil sa pagsisikap niya para sa kanyang anak kahit pa nga siya ay mag-isa na lamang na nagtataguyod dito.

Post a Comment

0 Comments