Nauwi sa divorce o hiwalayan ang isang mag-asawa sa India ito ay matapos magdesisyon na makipag-divorce ang lalaki sa kanyang misis matapos itong maumay o magsawa sa paulit-ulit na pagsisilbi at paghahain sa kanya ng instant noodles sa tuwing almusal, tanghalian at hapunan ng kanyang misis.
Ayon kay Presiding Judge ML Raghunath, inireklamo daw ng naturang mister ang kanyang asawa dahil wala daw umanong alam sa pagluluto ito at laging instant noodles ang pinapakain sa kanya araw-araw.
Dagdag pa raw ng Mister, kapag nagtutungo ang kanyang misis sa grocery shop ay pawang mga instant noodles lamang ang binibili nito.
Ang naturang insidente na tinawag na “Maggi case,” ay naging rason para maghiwalay ang mag-asawa, sinabi pa ni Raghunath sa New Indian Express, tumataas ang bilang ng kaso ng diborsiyo sa India.
Kung minsan pa nga araw ay mayroong pagkakataon na ang diborsyo o paghihiwalayan ay inihahain agad kinabukasan pagkatapos ng kasal dahil sa iba’t-ibang dahilang katulad ng hindi pakikipag-usap sa kanilang kapareha, paglalagay ng asin sa maling parte ng plano at hindi tamang kombinasyon ng kulay na isinusuot ng kanilang asawa at kung ano-ano pa.
“Divorce cases are increasing drastically over the years. Couples have to stay together for at least a year before seeking divorce. If there was no such law, there would be divorce petitions filed directly from wedding halls,” ani Raghunath.
“In rural areas, village panchayats intervene and settle the problems. Women have no independence and their fear of society and family sentiments force them to cope with the situation. But in cities, women are educated and financially independent,” dagdag pa ng hukom
Source: GMA
0 Comments