Looking For Anything Specific?

Dating maninisid ng barya sa Pier, isa nang ganap na Guro at Master Degree dahil sa kasipagan at pagsusumikap

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap na nais maabot at mapagtagumpayan. Bata pa lamang tayo ay may mga ninanais na tayong maabot o ‘di kaya naman ay mga pangarap ng ating mahal sa buhay na binibigyan natin ng katuparan.

Subalit ang lahat ay hindi magiging madali, marami tayong pagdadaanan sa buhay na mga pagsubok at problema bago natin makamit ang ating minimithing pangarap.

Kung minsan ay kinakailangan natin pagdaanan ang mga mahihirap na pagsubok upang tayo ay tumibay at maging masarap ang ating bawat tagumpay.

Katulad na lamang ng naging tagumpay ni Teacher Arlene Alex na kanyang ibinahagi sa social media. Kwento ng guro, noon raw ay sumisisid siya sa pier para lamang makakuha ng kaunting barya at para magkapera.

At dahil sa kanyang determinasyon at pagsisikap sa buhay hindi na nga nakakapagtaka na nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyo.

Noong siya ay nasa edad 22 taong gulang nagawa niyang maisakatuparan ang kanyang ninanais na pangarap.

Sa kanyang viral TikTok video ay ipinasilip niya sa publiko kung paano siya kumapit sa kanyang pananalig sa Diyos upang sa wakas ay makamit niya ang dati ay ipinagdarasal niya lamang. Sa ngayon ay nagtuturo siya ng “Indigenous Peoples Education” sa kanilang lugar.

Si Teacher Arlene ay isang huwarang guro dahil sa dami na niyang natulungan na kabataan , Tinuruan niya ang mga kabataan sa paglinang ng kanilang katalinuhan at ng gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan.

Patunay lamang ito na kahit gaano kahirap ang kakumplikado ang mga bagay sa ating paligid, darating at darating din ang panahon na masusuklian ang bawat paghihirap at ang bawat sakripisyo natin.

Katulad ni Teacher Arlene, kung tayo ay magsisikap at mananampalataya ay walang imposibleng pangarap!

Post a Comment

0 Comments