Marami sa atin ang mga takot sa ilang mga hay0p tulad na lang halimbawa ng daga. Subalit ano kaya ang gagawin mo kapag nakakita ka ng isang malaki at matabang daga na naipit sa isang “manhole cover”?
Ikaw ba ay tatakbo dahil sa takot o kaya naman ay tutulungan mo ang daga na mailigtas mula sa pagkakaipit nito? Ganito ang nangyaring insidente sa isang lugar sa ibang bansa kung saan isang malaki at matabang daga ang hindi sinasadyang naipit sa isang manhole cover.
Nang makita ng isang pamilya ang mahirap na kalagayan nito ay agad silang tumawag ng tulong. Ni-report nila na mayroong isang daga ang naipit sa isang “drain cover”.
At nang dumating ang mga rescuer at makita ang naturang daga ay sinisigurado agad nila na ito ay hindi ordinaryong daga dahil talagang napakalaki at napakataba nito.
Kahit walang nakakaintindi sa kawawang daga ay batid naman ng mga taong naroroon na talagang humihingi ito ng tulong. Ayon pa sa mga rescuer kahit pa nga nasa mahirap na kalagayan o sitwasyon ang daga ay sigurado rin silang malusog ang pangangatawan nito at nasa mabuti itong kundisyon.
“We weren’t able to rescue the rat alone. So we called the volunteer firefighters,” Pahayag ni Andreas Steinbach, spokesperson ng Berufstierrettung Rhein Neckar.
Kahit pa naging katatawanan ito para sa iilan, talagang seryoso naman ang mga rescuers na mailigtas ang naturang daga mula sa kanyang kalagayan.
Sinubukan din nila kung mailalabas nila ang daga mula sa loob mismo ng manhole cover upang hindi na nila sirain pa ang kabuuan nito. At sa mga sumunod na sandali ay matagumpay na nailigtas ng mga rescuer ang kaawa-awang daga.
“He made a brief look back at us, as if to say, ‘Thank you—and yes, I know I need to go on a diet’,” komento pa ni Steinbach.
0 Comments