Naging laman ng usap-usapan sa social media ang isang larawan ng OFW na nagtatrabaho sa bansang Singapore bilang isang katulong o maid.
Ang naturang larawan ay nag viral dahil makikita nito na tila nanonood lamang siya habang kumakain ang kanyang mga amo sa isang restaurant.
Isang kababayan din natin ang nakasaksi sa pangyayaring iyon at sobrang nahabag siya ng makita niya ang sitwasyon ng kawawang kasambahay kaya naman kanya itong ibinahagi sa social media at nagbabakasakali na makita ito ng ibang kamag-anak ng kapwa niya OFW na isang maid.
Ayon sa kwento ng netizen na si Regine Cañete Allones sa kanyang Facebook account, Isang beses daw ng siya ay pumunta sa isang restaurant at habang siya ay nakain nakita niya ang isang pamilya na may kasama na isang Pinoy na kasambahay.
Pagpasok pa lang daw ng maid na Pinoy ay pinunasan agad nito ang isang mesa at upuan ng kanyang mga amo.
At pagkatapos din na yon ay kinuha niya agad ang pagkain ng bata habang ang kanyang mga amo ay umorder ng kanilang pagkain.
Maya-maya lang daw ay tila napansin ni Regine na walang ibinigay na pagkain para sa OFW na maid ang amo nito. Nakita niyang nakaupo lamang ito at pinapanood na kumain ang mga amo.
Ayon naman kay Regine sobrang nadurog ang kanyang pus0 ng makita niya ng ganoon ang sitwasyon ng kanyang kapwa Pilipino.
Dagdag pa niya gustuhin man niyang tulungan ito para bigyan ng pagkain ngunit hindi niya magawa dahil baka daw isipin ng mga amo nito na siya pa ang masama.
Labis nga na napakasakit isipin na ganito ang sitwasyon ng iba nating kababayan sa ibang bansa, na-akala ng iba kanyang ka-pamilya na ito ay nagpapasarap lang doon bagkus ito ay hirap na hirap at nagtitiis may maipadala lang sa kanyang mga ka-anak.
Sana ay maisip ng iba na hindi biro ang mamuhay at magtrabaho sa ibang bansa lalo na at malayo sa pamilya, Buhay ang kapalit nito maging maayos lang kinabukasan ng kanyang mga kamag-anak dito sa atin sa Pilipinas.
Narito ang kabuuang post ni Regine Cañete Allones :
“Kanina kumakain aq , tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda nya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods.
Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbaran ko tlga kung may pagkain yung maid, (walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung mangtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira-tirang pag kain.
#RespectStillAHuman hndi Robot kakain at kakain yan. #IbangLahi #And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased. #Hebrews 13:16”
0 Comments