Looking For Anything Specific?

Anak ng OFW, Nag-ipon ng Pera at napuno ang tatlong malalaking tub galing sa padala ng kaniyang Ina

Maraming Pilipino ang nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya. Hindi sapat ang kanilang tinatapos kaya’t hindi makakuha ng magandang trabaho dito sa Pilipinas. Kaya naman napipilitan silang lumipad papuntang ibang bansa at magtrabaho.

Sabi ng iba, ang mga tao ay hindi umaasenso dahil hindi sila marunong mag- ipon. Hindi lahat ng nag-i-ibang bansa ay yumayaman at nagtatagumpay sa buhay.

Karamihan sa kanilang sinasahod ay napupunta lang sa kung saan saan o pambayad ng mga utang.

Kaya naman hindi mapigilan ng OFW na si Gemma ang pagiging isang proud mommy dahil sa ginawa ng kaniyang anak.

Ibinahagi niya sa isang post ng kaniyang kaibigan sa Facebook na Jane F’mous ang mga larawan ng kaniyang anak kaharap ang limpak limpak na bente pesos.

Ayon sa kaniya, labis siyang nasurpresa dahil hindi niya sukat akalain na ang kaniyang anak na si Gerdan ay iniipon ang kaniyang ipinadalang pera. Sa katunayan, mas malaki pa daw ang naipon niya kaysa sa ginagasta.

Nagsimula si Gerdan sa pagpuno ng barya sa dalawang tub. Muli siyang namili ng isang balde upang punuin naman ng mga bente.

Hindi nabigo sa pag- iipon si Gerdan at nagdesisyong buksan at bilangin ito nang umuwi ang kanyang ina.

Tunay na kahanga hanga ang ginawa ni Gerdan dahil batid niya ang hirap na dinaranas ng kaniyang ina sa ibang bansa kaya nararapat lamang na kaniya itong ipunin at saka gastusin sa mahahalagang bagay imbis na sa luho.

Post a Comment

0 Comments