Looking For Anything Specific?

Magkapatid na batang lalaking mataas ang Lagnat, patuloy na nanlilimos dahil walang maipambili ng gamot

Hindi ginusto ng bata na isilang siya sa mundong ito. Kaya’t ang responsable sa kanilang kinabukasan ay ang kanilang mga magulang.

Ngunit madami sa mga ito ang tumatakbo o ‘di kaya man ay hindi magampanan ang kanilang tungkulin bilang isang ina o ama.

Dumadating sa punto na sa murang edad ng mga bata ay nagagawa na nilang magbanat ng buto upang magkaroon ng makakain at panggastos sa mga gastusin. Isinasantabi ang pag- aaral at isinasakripisyo ang pagiging kabataan.

Ang ilan ay nakikita sa mga lansangan na kung saan namamalimos at nanghihingi ng tulong sa mga dumadaan. Isang post mula sa netizen na si Pearl Jhene David ang kinaawaan ng mga tao.

Ibinahagi niya ang larawan ng dalawang batang magkapatid na nakabalot ng plastic sa San Matias malapit sa over-pass ng SM/Robinsons Starmills.

Kwento ni Aldin, ang dahilan sa likod ng kanilang panlilimos ay dahil kinakailangan nilang mag- ipon para makabili ng gamot dahil may sakit sa bato ang kaniyang nakababatang kapatid.

Sa katunayan ay nilalagnat pa silang dalawang magkapatid nung mga panahong iyon.

Tinanong ni Pearl kung nasaan ang kanilang mga magulang at sinabing ang kanilang ina ay nangangalakal pa sa iba’t ibang lugar upang magkaroon ng kakarampot na kita. Madalas ay gabi pa sila sinusundo nito.

Nagbigay ng kaunting tulong si Pearl at ginamit ang plataporma ng social media upang humihingi pa ng tulong sa ibang tao para sa kanilang magkapatid.

Post a Comment

0 Comments