Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post ng isang babae na nagkwento tungkol sa kanyang karanasan sa paniningil ng utang sa mismo niyang kaibigan na halos dalawang taon ng hindi nagbabayad.
Sa post na nakilala bilang si Aira Polea, Ibinahagi niya ang ilang larawan o screenshot ng kanilang conversation ng naturang kaibigan.
Ayon kay Aira, hindi raw talaga siya marunong maningil ng pautang dahil siya pa raw ang nahihiya kaya naman pinag-isipan niyang mabuti ang kanyang sasabihin at kung paano masisingil ang pautang sa pamamagitan lamang ng text.
Subalit sa halip na masingil ang pautang sa kanyang kaibigan ay tila siya pa ang naging masama dito.
Dagdag pa ni Aira nakaranas rin daw siya mangutang noon ay hindi naman daw umabot sa ganitong sitwasyon.
Narito ang kanyang caption sa naturang post:

“Hindi po talaga ako marunong maningil ng umuutang, kasi ako pa ang nahihiya pero ito, iniisip ko pa Mabuti paano sya i-txt.
Nakakahiya naman at nagalit sa akin dahil naningil ako. Sorry na po! ?? Nangungutang din naman ako pero di ako ganito? Nakakatakot na maningil sa panahon ngayon?? Baka sa susunod masapak na ko nito? Mapapakanta ka nlng tlga ng #itreallyhurts”
Narito naman ang naging palitan ng kanilang pag-uusap:
Aira: “Hi Dear! Kumusta? Ask ko lang pala kung pwede ko na makuha yung hiniram mo, kahit di buo para di ka mabigatan. Regards mo ko sa cute na baby mo :)”
Kaibigan: “Okay lang naman kami. Bakit ngayon ka lang naningil? Eh syempre magagamit namin pera. Kasalanan mo yan, kunwari ka pang concern sa anak ko, maniningil ka lang naman, Alam ko naman na malaki utang ko di ko naman nakakalimutan pero sana marunong kang umintindi.. Palibhasa may pera.”
Aira: “Sorry if na-offend kita. Wala naman ako intensyon na ganyan ma-feel mo, and pasensya na if feeling mo di ako concern sa baby mo. Alam mo nahihiya din ako, sabi mo kasi babalik mo kaagad after 1 month, mag-2 years na kasi iniisip ko magkukusa ka. Sorry ulit.”
Kaibigan: “So, sinasabi mong di ako nagbabayad ng utang? Minsan sana marunong ka makaramdam, madami din ako bills na dapat bayaran at di lang ikaw.”
Dahil sa post na ito ni Aira tungkol sa kinahinatnan ng kanyang Paniningil, Maraming netizen ang naaliw at hindi maiwasang magkomento rito :
“relate much. Kaya ayoko nagpapautang eh.”
“Siya pa galit? Wahahahaha”
“Di kasi marunong umintindi amp.”
“Friendship over. HAHAHAHA”
“Laptrip si ate. Sya pa galit ah.”
“Sabi nga ni Bea Alonzo, Bakit parang kasalanan ko?”
“May pinagdadaanan si ateng may utang.”
0 Comments