Kamusta na kaya si Mura ngayon?
Matapos na mag viral muli ang dating aktor na si Mura sa social media, marami na ang nais tumulong sa kanya.
Kasalukuyang naninirahan si Mura sa Guinobatan, Albay. Hindi na nakakalakad ng maayos si Mura dahil sa isang insidente.

Muling nagkaroon ng kamustahan at update tungkol sa kanya sa pamamagitan ng Facebook live ng vlogger ba si Virgelyn Cares.

Sa kanyang latest live, dinalaw niya muli si Mura. Dito na nila nabanggit na nagpa check up daw ang dating aktor dahil may nararamdaman ito sa kanyang baga.

Ayon kay Mura, nararamdaman niya daw na parang may nakapulupot na ulap sa kanyang baga at hirap din siyang makahinga. Nauubo din daw siya sa tuwing magsasalita.

Kaya naman minabuti nilang magpasuri sa doktor para malaman ang kalagayan ng kanyang baga. Mag uupload daw ng video si Virgelyn sa kanyang YouTube channel tungkol sa check up ni Mura.

Nilinaw naman muli ng vlogger na lahat ng kikitain sa vlog na iyon ay mapupunta sa pangangailangang pinansyal ng dating katandem ni Mahal.

Nagpasalamat naman si Virgelyn sa mga taong nanonood sa kanyang channel para matulungan si Mura.
Humanga din ang maraming netizens sa kanya dahil patuloy ang kanyang pagtulong para sa pangangailangan pinansyal ni Mura lalo na at nagpapagamot ito.
Mygz Molino bumuhos ang luha sa kanyang latest vlog kung saan ibinahagi niya ang nangyari kay Mahal bago ito mamaalam

Ilang linggo ang nakalipas, nag-update na si Mygz Molino ng vlog sa kanyang YouTube channel.

Isa sa Mygz sa sobrang naapektuhan sa biglaang pagkawala ni Mahal. O Noemi Tesorero sa totong buhay.

Kaya naman halos tatlong linggo din siyang hindi nakapag update ng mga video sa kanyang YouTube channel.

Kinailangan din kasi sumailalim sa quarantine ni Mygz pati na din ang kanyang pamilya matapos dahil C0’VID ang naging dahilan ng pagkawala ni Mahal.

Ngunit kahapon, September 18, ay nag-upload na ng panibagong vlog si Mygz. Kung saan ikinwento niya ang lagay ni Mahal bago ito mamaalam.

Aniya, “Ang bigat. Ang bigat sa puso ‘yung mga nangyari nung mga nakaraang araw. Hindi ko kinaya ‘yung mga biglaang pangyayari na kahit ako, hindi ko rin inexpect na gano’n ‘yung mangyayari.”

Habang emosyonal, nagbigay din si Mygz ng kanyang mensahe para sa kanyang matalik na kaibigan na si Mahal.

“Basta masasabi ko lang sa’yo Mahal, alam ko na masaya ka na ngayon kasama mo si papa dahil sabi mo nga, hintayin ka ni papa. Pero ngayon sumama ka naman sa kanya.”

“Wala na akong masabi sa ‘yo kasi alam ko masaya ka na diyan sa inyo kasama papa mo. Gusto ko lang magpasalamat sa iyo, sa binigay mo na kasiyahan sa mga panahong kasama kita.”
“Ang dami mong ala-ala na iniwan sa amin, sa akin. Pero kakayanin natin ‘to. Salamat.”

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang video ni Mygz.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Ilang ulit ko ng pinapanuod . D ako maka get over . Panay iyak ko.. Stay strong Mygz.. kaya mo yan”
“I hate seeing you crying… And it’s really break my heart… Nakakapanlumo… Yong ngiti sa ‘yong mga mata nawala sa isang iglap”
The post Mura, ibinahagi sa madla ang kanyang nararamdaman ngayon sa kanyang baga matapos makapagpa-checkup sa Doktor appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments