Isang patutsada na naman ang ibinato ni Lolit Solis laban sa kanyang alaga na si Paolo Contis.
Sa episode ng kanilang online show na “Take It …. Per Minute, Me Ganun!” kasama sina Cristy Fermin at Mr. Fu. Napag-usapan ng tatlong host sina Yen Santos at Paolo Contis.
Ayon nga kay Manay Lolit ay never ending story ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Yen at Paolo.
Sa isang bahagi ng kanilang pag-uusap isang maanghang na salita na naman ang binitawan ni Lolit sa kanyang alaga.
Tungkol sa pera kasi ang tinatalakay nila sa parteng iyon ng kanilang online show.
Sabi ni Lolit: “Pero hindi, maninibago si Yen kay Paolo”
Tanong ni Cristy: “Bakit?”
Sagot ni Lolit: “Walang kasing dami ng datung dun sa pinanggalingan niyang.. si Paolo. Baka siya pa gumasta sa Baguio,.. Knowing Paolo…”
Sabi naman ni Cristy habang inilarawan si Yen: “Si Yen yung literal na tinatawag na babaeng may brilyante sa pinakamahalagang bahagi.”
Biglang hirit naman ni Manay Lolit, “Sumisirko?” Ayon naman kay Cristy malakas daw ang charisma ni Yen. At lapitin daw talaga ang aktres ng mga lalaki.
Saad naman ni Mr. FU, baka nakaipon na daw si Yen. Prangkang pahayag namang muli ni Manay Lolit.
“Ay oo, nakaipon na siya talaga, Uubusin ni Paolo iyon, si Paolo pa…I’m sure, si Paolo pa, jusko.
“Pan-title ‘yan, ‘Lolit Solis, uubusin ni Paolo ang naipon ni Yen: ‘Si Paolo pa,”’ natatawang saad naman ni Cristy.
Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang pahayag na ito ni Manay Lolit.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Tawang tawa ako kay Lolit”
“Magaling mag analyze si nay lolit at manay cristy.”
“Napakawalanghiya ng mga to ikinatutuwa nila na yung pangloloko ni Paolo kay LJ mga babae pa naman”
Cristy Fermin, diretsang sinabing hiwalay na si Yen Santos sa nobyong politiko
Isiniwalat ngayon ni Cristy Fermin na matagal na raw na hiwalay si Yen Santos sa ex-boyfriend niyang politiko.
Sa episode ng online show niya na “Take It …. Per Minute, Me Ganun!” kasama sina Lolit Solis at Mr. Fu. Napag-usapan ng tatlong host si Yen Santos.
Ito ay tungkol sa matagal ng napapabalitang karelasyon umano ng aktres na isang mayaman na politiko.
“Teka Cristy, saýo ko ‘to nabasa, wala na ba talaga si Yen tsaka yung…?” tanong ni Lolit kay Cristy.
“Huwag mo na papangalanan,” sagot ni Cristy. “May tumawag kasi sa akin, sa kampo naman ‘to ni Yen, matagal na silang libre.”
“Wala na, hiwalay na sila,” dagdag pa niya. “Matagal na si politiko at saka si Yen na wala na?” tanong naman ni Mr. Fu.
Sagot naman ni Cristy ay matagal na nga daw na hiwalay si Yen sa nasabing politiko. Wala ng sustento at wala ng lahat.
At dugtong pa ni Manay Cristy, yung ipinalit daw ng ex ni Yen ay isang aktres na malapit na raw lumipad.
Gulat naman na tanong ni Lolit na ang tinutukoy daw ba ni Cristy na malapit ng lumipad ay si Darna?
Kinumpirma naman ito ni Cristy at sinabing producer umano ng nasabing serye ang ex-bf na politiko ni Yen.
“Oh di medyo hindi pa matagal na nagkahiwalay si…” tanong muli ni Mr. Fu na sinagot naman muli ni Cristy. “Eh maaaring ang shooting nito, noon pa kasi.”
Matatandaan na noon pa man ay nabalita na, na may karelasyon ngang matandang mayaman na politiko si Yen.
Ngunit magpasa hanggang ngayon ay tikom ang bibig ng aktres tungkol sa isyung iyon. At maging sa isyu nila ni Paolo Contis ay nanatiling tahimik ang aktres.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang show:
The post Lolit Solis deretsahang sinabi na uubusin lang ng alagang si Paolo Contis ang mga naipon ni Yen Santos appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments