Looking For Anything Specific?

LJ Reyes at mga anak, nagdesisyong lisanin ang bansa, lumipad na patungong New York

Lumipad na papuntang New York si LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang anak.

Noong September 1, ipinalabas ang kabuuang interview niya kay Boy Abunda sa YouTube channel ng huli.

Sa teaser palang na inilabas ng The Interviewer ni Boy Abunda obvious nang kinumpirma na ni LJ. Ang hula ng mga Netizens na hiwalay na nga sila ni Paolo.

Kasabay ng pagkumpirma na hiwalay na sila ni Paolo Contis, nagbigay ng ilang detalye si LJ tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon para maituwid ang ilang maling impormasyon na kumakalat.

Sa panayam ni Tito Boy, ipinaliwanag ni LJ kung bakit kinailangan nilang iwan ng kaniyang mga anak si Paolo.

Ayaw magkomento ni LJ patungkol sa mga usap-usapan na may “third party” na sangkot sa kanilang paghihiwalay.

“Sa totoo lang kung ano man yung third party na sinasabi nila, its actually the least of my concerns,” sabi niya.

Sa nakalipas na dalawang buwan, sinabi ng aktres na mayroon siyang mga natutuklasan.

Kinumpirma din ni LJ kay Boy Abunda na last week pa siya umalis papuntang New York.

Kasama ang dalawang anak niya. Si Aki na anak niya kay Paulo Avelino at si Summer na anak nila ni Paolo.

Dual citizen si LJ kaya madali para rito na makaalis ng bansa kahit na may pandemic. Nasa US din ang kanyang ina at kapatid.

Isang linggo na sila roon pero wala siyang binanggit kung hanggang kailan sila sa Amerika basta ang sabi lang niya, “Gusto kong protektahan ang mga anak ko, malayo sa sitwasyon.”

20 years ng naninirahan ang ina ni LJ sa New York. Lumipat ito taong 2001.

LJ Reyes, Inaming Tinanggihan Ni Paolo Contis Na Balikan Sila Ng Mga Anak

Sa isang tell all interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda sa youtube channel nitong The Boy Abunda Talk Channel, ibinahagi ni LJ Reyes lahat ng nangyari at ang kanyang saloobin tungkol sa kanilang dalawa ni Paolo Contis.

Sa mahigit isang oras na uncut at unedited interview kay Boy Abunda, nilinaw ni LJ Reyes ang dahilan kung bakit binura ni Paolo Contis ang kanyang mga larawan sa kanyang social media account.

Dati pa lamang daw ay ramdam na ni LJ na nakahiwalay na si Paolo sa kanila ng mga anak nya. Pakiramdam daw nya ay nasa sariling mundo daw nya si Paolo.

Sinabi din ni LJ na hindi daw naging mutual ang hiwal@yan nila ni Paolo dahil kung mutual man, dapat daw ay pareho silang sumang-ayon na hindi na talaga nagwowork ang kanilang relationship.

Isa pang napapansin na pagbabago ni LJ ay dating home buddy daw si Paolo Contis ngunit lately daw ay palagi na lamang itong nasa labas ng kanilang bahay. Kapag tinatanong naman daw nito kung may pr0blema daw ba ngunit tumatanggi lamang ang aktor.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na kailangan na nilang maghiwalay, ngunit ilang araw pa lamang daw ang nakakalipas, narealize daw ni LJ na may anak sila. Kailangan daw ng mga anak nya ng kompletong pamilya kaya naman muli nitong kinausap si Paolo Contis tungkol dito.

Para sa mga bata, ibinaba ni LJ ang kanyang pr!de. Para daw sa mga bata, gagawin daw ni LJ ang lahat. Dahil kung walang bata, siguro ay magiging maayos pa at hindi na daw nya ipipilit ang sarili nya.

Kaya naman tinanong na ni LJ si Paolo kung maaari ba silang magbalikan alang alang sa kanyang mga anak ngunit tumanggi na ang aktor. At iyon na nga daw ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Paolo.

The post LJ Reyes at mga anak, nagdesisyong lisanin ang bansa, lumipad na patungong New York appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments